Home » Page 3
Iron Man
May 5, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Iron Man

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay mayaman, matalino, at kilala ng maraming tao sa buong mundo? Para kay Tony Stark, ang nararapat na gawin eh maging isang super hero sa pamamagitan ng pagbuo ng armor na gawa sa samu’t-saring piyesa na gawa sa bakal. Dito nagsimula ang kuwento ng Iron Man, ang isa na namang pelikula mula sa mga bida sa Marvel Comics.
Astig sana yung pelikula na Iron Man kaya lang eh parang kulang sa sahog. Kumbaga sa lugaw eh puro lang sabaw at walang laman. Para bang pinaasa mo lang ang tao na maganda ang produkto mo pero pag nakita mo na, parang ang masasabi mo lang eh “yun na yun?”. Sayang at maganda pa naman sana ang armor ni Iron Man na para bang pina-welding sa mga talyer na gumagawa ng piyesa ng mga owner jeeps.
Omega Pain Killer
May 4, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Gamot
Pangalan: Omega Pain Killer

Isa sa pinakamahirap na kaganapan para sa isang maskuladong lalaki (katulad ko) ang magkaroon ng masakit na bahagi sa loob ng katawan. Madalas ay sa mga muscles ito nararamdaman na para bang pinipilipit ang kalamnan. Hindi tulad ng mga sugat sa balat na puwedeng pigaan ng dayap para gumaling agad, ang mga gamot para sa kasu-kasuan ay nangangailangan ng pagpahid sa apektadong lugar.
Dito pumapasok ang Omega Pain Killer na talaga namang napaka-epektibo para sa mga nananakit na katawan ng mga maskuladong lalaki (katulad ko). Magpapahid ka lang ng kaunting bahagi at ayun, mararamdaman mo na ang kakaibang init na talaga namang nakaka-ginhawa. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang natuklasan ito… dapat nung tinuli ako eh naglagay na agad ako ng Omega Pain Killer para nawala agad ang hapdi.
Shopwise
May 3, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Lugar
Klase: Tindahan
Pangalan: Shopwise

Ang paggo-grocery ay isang gawain na madalas ginagawa ng mga taong madaling nauubusan ng kagamitan sa bahay. Ang ibig kong sabihin eh hindi naman nilooban o sinugod ng akyat-bahay gang. Yung mga bagay na nauubos ay tipong pagkain, mga panglinis, mga pang-ligo at kung anu-ano pa. Kaya naman sa mga gustong mag-grocery eh pumupunta na sila sa lugar na kumpleto at hindi kulang-kulang.
Marami na akong napuntahang grocery pero hangang-hanga pa rin ako sa Shopwise. Tila sobrang kumpleto sila sa mga paninda at lahat ng nasa listahan mo sa grocery eh mabibili mo dito. Maaaring may mga brands na wala dito pero yung gamit na kailangan mo eh malaki ang tsansang matatagpuan mo rito. At, sa mga suki ng Shopwise, maaari pa silang makakuha ng points tuwing gagamit sila ng Shopwise card.
AVG Free
May 2, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Software
Klase: Anti-virus
Pangalan: AVG Free

Simula nang magkaroon kami ng computer, hindi na kami natigil sa paghahanap ng mahusay na anti-virus. Nasubukan na namin ang samu’t-saring software kaya lang eh nakakabagal ang mga ito sa aming computer. Ang masaklap pa dito eh may bayad ang karamihan sa mga anti-virus na ito. Laking gulat ko nang matuklasan ko noon ang AVG Free. Tulad ng kanyang pangalan, libre lang po siyang nada-download sa Internet at talaga namang dekalidad ang serbisyong inihahatid niya.
AVG Free ang ginagamit ko sa bawat galaw ko sa PC ko. Kapag may ikakabit akong USB drive eh agad ko itong ipinapa-scan sa AVG Free. Kung may bagong file naman akong nakuha sa Internet eh dadaan muna ito sa AVG Free. Dati eh AVG 7 lamang ang gamit ko pero kamakailan eh nag-update ito at naging AVG 8… na may mas magagandang features na kasama.
H-O-R-S-E
May 1, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Laro
Pangalan: H-O-R-S-E

(Litrato mula sa NBA)
Pamilyar naman kayo sa larong “Zaggidy-Zapopo” di ba? Ito yung laro kung saan may isang leader na ginagaya ng kasunod niya na ginagaya ng susunod sa kanya hanggang sa kadulu-duluhan ng linya. Lingid sa kaalaman ng iba, may ganitong laro din sa basketball at tinatawag itong H-O-R-S-E. Hindi ko alam kung bakit ito yung tawag dito, Marahil eh dahil magmumukha kang kabayo kapag natalo ka dito.
Sa H-O-R-S-E, ang layunin ng player ay makagawa ng style na mahihirapang gayahin ng kapwa niya manlalaro. Uso ito sa mga streetball games tsaka sa mga larong kanto sa kung saan-saang lugar sa Pilipinas. Masaya kasi ang larong ito lalo na pag nagkaka-kengkoyan na at kung anu-anong moves na ang ginagawa ng mga kalaban.
Wheel of Fortune
April 30, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Laro
Pangalan: Wheel of Fortune

(Litrato mula sa Wikipedia)
Natutuwa ako sa mga larong nakakahasa ng isipan tulad ng Jeopardy, Who Wants To Be A Millionaire? (WWTBAM), at The Weakest Link (na siyang naging basehan ng thesis ko nung kolehiyo). Ngayon eh dahan-dahang sumisikat ang larong “Wheel of Fortune” dahil sa pagsabak nito sa mainstream Pinoy TV. Ang kinaganda pa nito eh host nito ay ang mahusay na si Kris Aquino. Yun nga lang, medyo kakaiba ang mga tanong sa lokal na version kaysa sa doon sa pinapanood ko sa US, marahil na rin dahil medyo masang Pinoy ang target dito.
Sa totoo lang, gustong-gusto kong makasali sa mga TV game shows na yan. Dati sinubukan ko tumawag sa WWTBAM hotline at nag-try out. Kaya lang hindi na ako tinawagan pabalik. Pero, mas forte ko talaga ang Wheel of Fortune dahil adik ako sa mga Hangman games kung saan ibinase ang show na ito. Alam kong kakayanin ko ang game na ito kaya lang hindi naman ako naiimbitahan sumali sa mga ito.
Ehersisyo
April 29, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pangkalusugan
Pangalan: Ehersisyo

(Litrato mula sa Wikipedia)
Sa panahon ngayon, paunti na nang paunti ang oras ng ehersisyo. Kung nung kabataan natin eh nakakapaglaro tayo sa labas ng bahay araw-araw, ngayon eh tila hirap na hirap na tayong kumuha ng tamang oras para lamang makapag-ehersisyo ng kahit kaunting effort lamang. Kahit nga ata mga bata ngayon eh wala na ring ehersisyo dahil sa sobrang ka-adikan sa mga PC games. Magiging bansa na kaya ng mga obese ang Pilipinas?
Ako man eh aminadong kulang na sa ehersisyo. Dati, nung magkasama pa kami sa iisang opisina, eh nakakpag-jogging pa kami ng Honey ko sa UP Oval. Ngayon ay mahirap na gawin ito dahil late na kaming makakarating sa lugar na iyon para makapag-jogging. Lalo na naman tuloy akong tumataba.
88DB Bloggers Party
April 26, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pagtitipon
Pangalan: 88DB Bloggers Party
Kakaiba mag-trip ang mga taong pare-pareho ng hilig. Ngayong gabing ito ay nagsama-sama ang ilan sa mga bloggers sa Pilipinas at dumalo sa isang pagtitipon na hatid ng 88DB. Ang kompanyang ito ay maglalabas ng website para sa mga freelancers para madali silang mahanap ng mga taong nangangailangan ng serbisyo nila. Kahit na parang “self-gratification” ang dating para sa 88DB, lumabas na naging kasaya-saya ng buong party at talagang nag-enjoy ang mga tao.
Ang karamihang dumalo sa 88DB Bloggers Party ay nanggaling sa iBlog4 Summit -isa pang pagtitipon para sa mga bloggers. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao para makilala ang iba pang manunulat at magkaroon ng “link exchange”. Dito namin nakilala ng Honey ko ang mga tulad nina Tom, Ailecgee, Raredog, Micamyx, Technofied, at marami pang iba.
iBlog4 Summit
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pagtitipon
Pangalan: iBlog4 Summit
Napakarami nang manunulat dito sa Pilipinas. Magmula sa diyaryo hanggang sa mga telenobela, hindi makakaila na ang mga Pinoy ay magagaling na mga writers. Ito’y lalo pang nakikita sa mga kababayan nating nagsusulat online ng kanilang mga “weblogs” o mas kilala sa tawag na blog. Itong taglish o Rebyu ay isang uri ng blog. Pero ngayong araw na ito, marami akong natuklasan at nakilalang mga bagong manunulat dahil sa pagtitipon na naganap sa iBlog4 Summit.
Sa UP Diliman ginanap ang iBlog4 Summit. Dumalo kami dito ng aking Honey pero medyo late na kami nakarating. Gayunpaman, naabutan namin ang mahuhusay na speakers na nagkuwento at nagbigay ng mga payo sa bawat larangan ng blogging. Magmula sa pro-blogging hanggang sa podcasting at video blogging, ang bawat paksa ay tumutukoy sa mga maaaring gawin sa isang pansariling blog.
Barong Tagalog
April 3, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Kasuotan
Pangalan: Barong Tagalog

(Litrato mula sa Barongs ‘R Us)
Ah… ang Barong Tagalog… ang ating pambansang damit. Madalas na nakikita natin ito tuwing may matitinding okasyon tulad ng kasalan at mga salu-salo ng mga pulitiko. Lumalabas din ito tuwing may mga pa-contest sa eskwelahan kapag Buwan ng Wika. Siyempre nariyan din yan kapag Santacruzan. Sikat din ito pag ilalagak ka na sa huling hantungan. Pero sa iba pang okasyon eh hindi ito pasok. Limitado lang ang gamit niya. Kakaiba para sa isang pambansang kasuotan.
Kahit na tinatawag na “formal wear” ang Barong Tagalog eh hindi pa rin ito pasok sa napakaraming “formal occassions”. Kapag may mga job interview eh wala ka namang nakikitang naka-barong. Pag may JS-prom eh mas madalas na naka-coat and tie ang mga estudyante. Sa mga meeting sa boardroom at international affairs eh naka-long sleeve ang mga tao. Ngayon, bakit pa natin tinawag na pambansang damit ang Barong Tagalog?
Overheat
April 2, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Sira
Pangalan: Overheat

Kapag talagang minamalas ka nga naman… sa mga okasyong mahahalaga eh doon may kalokohan na nangyayari. Kanina ay nagpunta kami sa isang kasalan pero bago pa man makarating doon eh nagkaroon ng aberya ang aming sasakyan. Biglang itong nag-overheat at napilitan kaming huminto sa tabi para ipahinga ang makina. Malas talaga. Sobrang malas lang.
May mga tao kasing gamit lang nang gamit ng sasakyan nang hindi tsini-check ang mga piyesa at components nito. Isa ako sa mga taong nagkakasala dito. Madalas eh sa kasamahan namin sa bahay ko ipinapa-check ang sasakyan at inaasahan ko lang siyang maglagay ng tubig sa container. Nalagyan naman niya ang sasakyan kaya lang eh hindi ko pala akalain na nasira na ang thermostat ng radiator.
April Fools Day
April 1, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Okasyon
Pangalan: April Fools Day

Wala akong entry sa araw na ito.
Easy Call Beeper
March 31, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Beeper
Pangalan: Easy Call Beeper
Bago pa sumikat ang mga cellular phones at bago pa sumikat sa Pilipinas ang mga call centers na ang may-ari ay mga taga ibayong-dagat, nauna na ang mga “paging services”. Naging subscriber si Erpats sa isang sikat na paging service noon at nang mawala ito sa uso eh siyempre pinaputol niya na ito. Pero naiwan sa amin ang device. At nitong nakaraang araw, nang ako’y maglinis at maghalungkat sa bahay, aking nakita ang Easy Call beeper ni Erpats. Dito ko napagtanto na i-rebyu ang panahon nung uso pa ang mga gadgets na ito.
Natatandaan ko pa nung laging nakasalukbit sa sinturon ni Erpats ang Easy Call beeper na ito. Tila kahit saan kami magpunta eh proud na proud niya itong idini-display. OK lang naman dahil marami rin kaming nakakasalubong sa daan na may suot na beeper. Astig talaga. Ito ang tunay na midway point ng age of landline phones at cellular technology.
Freestyle Online Basketball
March 30, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Software
Klase: Laro
Pangalan: Freestyle Online Basketball

Mukhang darating na ang panahon kung saan lahat ng physical activities eh magiging computerized na. Wala nang naglalaro ng tumbang preso, ng patintero, ng sipa, at ng piko. Ngayon, pati basketball ay nasa computer na rin. Ang binabanggit ko ay ang larong “Freestyle” kung saan may mga animated characters na naglalaban sa isang 3-on-3 game sa loob ng limang minuto. Dahil animated, nakaka-enganyo ito sa mga kids at basketball fanatics… kaya’t wala nang ginaganahang maglaro sa labas.
Kahalintulad ng isang streetball game ang Freestyle. Walang rules at puro showboating moves. Para lagyan ng konting ka-astigan ang laro, ginawa nilang “true-to-life” ang mga kilos ng mga players… may mga tumitira ng three points na parang hinahagis lang. Meron ding mga nagko-cross over na mas matulin pa sa trumpo ang ikot. Meron din namang nakaka-block ng tira na matagal nang hinagis. Ang galing! True-to-life talaga.
Fool’s Gold
March 28, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Fool’s Gold

Ang mga Espanyol ay nakilala bilang matagumpay na lipunan noong ika-14 hanggang ika-18 siglo. Sila ang nangunguna sa pag-diskubre (at pagsakop) sa iba’t-ibang lugar sa mundo. Alam din natin na sa kakalibot nila eh marami silang mga barkong nawasak at lumubog sa karagatan. Kasama sa paglubog ng mga ito ay ang mga kagamitan at mga kayamanan. Ang paghanap sa mga nawawalang yaman na ito ang naging pangunahing takbo ng kuwento sa palabas na “Fool’s Gold” ni Matthew McConaughey at Kate Hudson.
Parehong adik sa paghahanap ng yaman ang dalawang bida sa kuwento. Ang masaklap lang eh kaka-divorce lang nung dalawa… sa eksaktong panahon na nahanap nung lalaki ang isang mahalagang bahagi ng treasure. Sa ikot ng kuwento eh nagkasama sa isang barko ang dalawa at na-kumbinse nila ang may-ari nito na sumama sa isang matinding treasure hunt. Alam na nila kung saang lugar lumubog ang barko ng mga Espanyol… kaya lang eh ang islang malapit sa lugar na ito ay pagmamay-ari ng kanilang “kalaban” na naghahanap din sa lumubog na yaman.
Freelance Work
March 27, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Trabaho
Pangalan: Freelance Work

Kailangang-kailangan nating lahat ng pera. Mapa-mahirap man na naghahakot ng basura o mapa-mayaman na naghahakot ng kaban ng bayan, lahat ng tao ay nangangailangan ng salapi. Datung. Cash (and carry). May ilan na sapat na ang nakukuha sa kanilang pang araw-araw na trabaho. May ilan naman na meron pang ibang “sideline” para makakuha ng extra. Ito ay tinatawag na freelance work at sa kauna-unahang pagkakaton sa buhay ko eh nagkaroon ako nito.
Ang aking freelance work ay nauukol sa pagsusulat. Bale sa bahay lang ako at nakatatanggap ako ng listahan ng mga topics na isusulat para sa isang kliyente. Pagkatapos kong magsulat, ibibigay ko sa kanila ang aking output at babayaran nila ako sa pamamagitan ng pagde-deposito sa bank account ko. Parang madali lang hindi ba? Hindi din!
Baller ID
March 26, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Kasuotan
Pangalan: Baller ID

Rubber band na makapal na may kung anu-anong nakamarka… yan ang tinatawag na “Baller ID”. Sumikat ito noong nakaraang taon dahil sa mga NBA players na nagsusuot nito. At dahil adik sa basketball ang mga Pinoy eh agad din itong sumikat sa ating bansa. At dahil din sikat, alam natin na ito’y pipiratahin. Ang original na Baller ID kasi ng Nike ay mga ilang daan din ang halaga. Ngayon eh makakabili ka na ng peke sa presyong sampung piso.
Hindi talaga ako mahilig noon magsuot ng Baller ID bands pero nang masira (at mamaho) ang suot kong bracelet na gawa sa tali, kinuha ko ang mga Baller ID bands ko na nakatago sa lalagyan ko. Na-free ko kasi ang mga ito nang mamili kami ng Honey ko ng mga bags mula sa isang kilalang athletic store. Ngayon eh lagi na akong lumalabas nang nakasuot ng Baller ID bands… pero hindi ko din maipaliwanag kung bakit.
Zenki
March 25, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Anime
Pangalan: Zenki

“Kuko ni Divah!!!” Yan ang mga katagang naaalala ko pag naiisip ko ang palabas na Zenki. Kamakailan kasi ay sinimulan ko nang panoorin ang aking Zenki DVD. Kumpleto ito mula simula hanggang katapusan. Dahil alas-cuatro ng hapon ito ipinalalabas sa TV noon (at high school pa lang ako nung kasikatan nito), may mga ilang episodes akong hindi napanood. Ngayon ang tamang pagkakataon para malaman ko ang buong kuwento.
Ingles ang salita ng mga tauhan sa nabili kong DVD. Nakakaaliw naman dahil mas madaling maintindihan at hindi na kinakailangan pang gamitan ng subtitles. At ang kauna-unahan kong ginawa nang makapanood na ako ng ilang episodes eh pinaghambing-hambing ko ang Tagalog translations sa kapares nito sa Ingles.
Horton Hears A Who
March 24, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Horton Hears A Who

Naniniwala ka ba na may isang nilalang na mas nakahihigit pa sa atin? Nagkakaroon ka ba paminsan-minsan ng agam-agam na baka ang mundo ay bahagi lamang ng isa pang mas malaking kabuuan? Ito ang kaisipan na tumatakbo sa pelikulang “Horton Hears A Who”. Ang palabas ay tungkol sa isang elepante na nakarinig ng boses sa isang pirasong alikabok. Nung una eh akala niya’y nagkakamali siya pero nang marinig niya ito ulit, napagtanto niya itong kausapin para malaman kung anong meron doon.
Sa pakikipagtalastasan ng elepante sa alikabok, natuklasan niya na may isang buong siyudad doon na payapang namumuhay at wala talagang kaalaman na bahagi lamang sila ng isang alikabok. Dito nagpasiya ang elepante na ilagay sa isang ligtas na lugar ang alikabok para hindi mapahamak ang mga nakatira rito. Ang pakikipagusap ng elepante sa alikabok ang pinagmulan ng alitan ng mga hayop sa gubat kaya naman naging maganda ang kuwento.
WWE 24/7
March 23, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Palabas
Pangalan: WWE 24/7

Naiinis ako nang alisin ng Sky Cable ang Solar Channels sa kanilang lineup. Hindi ko na tuloy napapanood ang mga paborito kong palabas sa BTV at Jack TV. Para maibsan ang matinding pagkawala, naglagay ng mga bagong channels ang Sky na grabe ang pagpilit na paggaya sa mga nawalang channels. Pinalitan ng Balls ang BTV at Maxxx naman sa Jack TV. At dahil may WWE sa Jack TV, naghanap ng alternatibo ang Maxxx para makakuha ng nararapat na audience.
Sa kabutihang palad, ang nakuha nila ay ang WWE 24/7. Ito ay isang show kung saan nagpapalabas sila ng mga lumang wrestling episodes… as in napaka-luma! Ito yung mga panahon kung saan sikat pa si Hulk Hogan at Ultimate Warrior. Mayaman pa nito si Million Dollar Man at buhay pa si Owen Hart. Pasikat pa lang ang DX at maliit pa ang dibdib ni Triple H. Hayy… pag nakikita ko ang mga ito, napapangiti na lang ako dahil ibang-iba na talaga ang wrestling noon at ngayon.
















