Home » Page 14
Flos Carmeli Institution of Quezon City
March 30, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Lugar
Klase: Paaralan
Pangalan: Flos Carmeli Institution of Quezon City

“Flos Carmeli? Saan yun?”
Yan ang madalas kong marinig tuwing tinatanong ako kung saan ako nagtapos ng elementary at high school. Paano ba naman kasi, hindi talaga sikat ang Flos Carmeli Institution of Quezon City (FCIQC) dahil:
- ito’y nasa liblib na lugar - West Fa(i)rview, QC
- wala itong koneksyon sa mga sikat na paaralan
- wala itong “blockbuster” student na hayagang sinasabing sa FCIQC siya nagtapos
Joy Black Gulaman
March 29, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Inumin
Pangalan: Joy Black Gulaman

Matagal nang uso ang gulaman sa Pinas. Madalas na nakikita ito na nilalako sa mga kanto. Ito’y masarap na inumin lalo na pag uhaw na uhaw ka (o kaya’y galing sa isang laro ng basketball). Kaya hindi naglaon at nakaisip ng paraan na ilako ang gulaman sa bote at ibenta sa mga supermarket.
Dito ko natuklasan ang Joy Black Gulaman.
Kobe Bryant
March 27, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Tao
Klase: Basketball Player
Pangalan: Kobe Bryant

Buwakaw. Barubal na manlalaro. May kaso ng pangmo-molestiya… sabihin niyo na ang lahat, wala pa ring magbabago… si Kobe ang pinakamahusay na manlalaro ng basketball ngayon!
Hindi ako Kobe Bryant fan. Sa totoo lang, hindi ko siya gustong player. Oo, aminado ako na noon pa man magaling na siya. Pero ngayong taon niya lang talaga ako napahanga nang husto.
Pretty Peaches 2
March 26, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Pretty Peaches 2

Kailan kayo namulat sa mga “bold”? Ako, grade six na! Promise, walang stir! Pinahiram ako ng kaklase ko noon (na ngayon ay isa nang sikat na artista) ng Playboy at Hustler mula sa koleksyon ng mga kuya niya (na mga sikat ding artista). Doon ako namulat at unang nag… alam mo na…
Pero kung pelikula, second year high school ako unang nakapanood. At itong Pretty Peaches 2 ang nagturo sa akin ng ibig sabihin ng hubad at patong.
Napanood ko itong una nung panahon pa ng Betamax. May tape kasi nito si Erpats at nakatago sa kalalim-laliman ng kanyang dresser. Hindi niya alam na kinukuha ko iyon doon at sinasalang sa player namin. Kaya rin laging may mantsa ang kumot ko noon…
Megamelt Ensaymada
March 22, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Pagkain
Pangalan: Megamelt Ensaymada

Maliit, mura at masarap papakin… yan ang ensaymada ng Megamelt. Eksakto talaga siyang “meryenda”, lalo na kung bumibiyahe o kaya’y naghihintay ng sasakyang taxi sa gilid ng SM Makati!
Naka-tsibog kasi muli ako ng Megamelt ensaymada kamakailan lang at napuna kong masarap nga siya. Di tulad ng normal na ensaymada na nabibili sa mga panaderya sa kanto-kanto, ang ensaymada ng Megamelt ay tadtad ng keso sa ibabaw ng tinapay. Ang sarap kagatin kasi malinamnam yung keso (Eden cheese yata ang gamit nila), malambot yung tinapay kahit na gabing-gabi na at marami siyang variants ng tinapay niya.
The Brave Little Toaster
March 21, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: The Brave Little Toaster

Mga appliances na nabubuhay. Mga appliances na naglalakad sa gubat. Mga appliances na nakikipaglaban sa ibang appliances. Hayuf! Kung magkatotoo yang mga yan, marahil ay nagtatatakbo na ako!
Ito ang kuwento ng “The Brave Little Toaster”: mga appliances na may sariling buhay na ang tanging hanap lang ay laruin sila ng kanilang “Master”. O, malaswa na naman yang iniisip mo! Laruin… kasi nung bata pa yung master nila, lagi silang sinusundot at nilalaro sa mga lugar na gusto silang hawakan…
Yellow Cab Pizza
March 20, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Pagkain
Pangalan: Yellow Cab Pizza

Kamakailan lang ako natutong kumain ng pizza mula sa Yellow Cab. Mga dalawang taon pa lang siguro ang nakakalipas nang una akong makatikim ng Yellow Cab pizza. Ngayon ko lang naa-arok na masarap pala talaga ang pizza na ito!
Tulad ng maraming Pinoy, nakasanayan ko ang mga pizza mula sa Shakey’s, Pizza Hut, Greenwich at 3Ms. Ang Yellow Cab ay tinuring ng karamihan noon na “pang-mayaman” at kapantay noon ng “Kenny Rogers’ Roasters” (na dati ring tinuring na “pang-mayaman”). Nung una ko pa ngang kain dito sa Yellow Cab, hindi ko matantsa kung paano ko kakainin ang isang slice dahil sa sobrang laki (tsaka nahihiya pa akong magkamay noon dahil ang mga kasabay ko ay mga taga-ABS-CBN na medyo sosi).
T-Rex: Back to the Cretaceous
March 19, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: T-Rex: Back to the Cretaceous

Oo, alam kong maganda ang mga pelikula sa IMAX sa Mall of Asia pero kung pagandahan din lang naman, talo ang mga palabas na tulad ng T-Rex at Nascar!
Napanood ko na kasi ang dalawang featured na pelikulang ito sa IMAX; yung T-Rex ay nitong Sabado lang. Akala ko ay matutuwa ako dahil tungkol ito sa mga dinosaurs pero ako’y naisahan. Pangit ang palabas. Mangilan-ngilan lang ang eksenang maganda ang 3D effect. Leche. Buwisit.
Giniling Festival
March 15, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Music Album
Pangalan: Giniling Festival

Psycho music! Oo, ito ang napagtanto ko nang marinig ko ang album ng Giniling Festival. Sila ay isang banda na kasalukuyang nagpaparamdam sa Pinoy music scene. At base sa kanilang album, mukhang malaki ang tsansa na sila’y makilala.
Ang tugtugan ng Giniling Festival ay heavy metal. Maihahambing ito sa tunog ng isa pang Pinoy band, ang Kiko Machine. Pati nga ata istilo nila sa paggawa ng liriko ay may halintulad. Pero, mas mabigat nang di hamak ang tunog ng Giniling Festival. Parang sinaunang Kamikazee.
Love Wrecked
March 7, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Love Wrecked
Duda na talaga ako sa ilang palabas na gawa ng Hollywood. Minsan, naiisip ko na Pinoy talaga ang direktor ng buong palabas. Parehong-pareho ang takbo ng kuwento! Kaya lang, mas mabenta pag US ang may gawa kasi “imported”. Ganyan ang nadama ko nang mapanood namin ng honey ko ang “Love Wrecked”.
Ayon sa IMDB, ang Love Wrecked ay ipinalabas noong 2005. Pinagbibidahan ito ni Amanda Bynes, isang cute na cute na dalaga na sa ngayon eh cute pa rin. Sablay lang talaga itong palabas na pinagbidahan niya.
Bowling
February 19, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Laro
Pangalan: Bowling

Maraming sikat na laro dito sa Pinas. Nandiyan ang walang kamatayang basketball. Sikat na rin ang badminton at tennis. Pero marami ang nakakalimot sa ganda ng paglalaro ng bowling.
Akala ng karamihan na madali lang maglaro ng bowling. Para bang napaka-simple lang pagulungin ang bola nang diretso at tamaan ang sampung pins na magkakalapit ang agwat. Oo, madali lang… yan ay kung magaan lang ang bola at hindi tataas ang timbang ng 7lbs!
Aquarium
February 16, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Dekorasyon
Pangalan: Aquarium

Nakakatuwa talagang mag-alaga ng kahayupan. Sa probinsiya, ang mga normal na inaalagaan ay mga baka, kalabaw at manok. Puwede kasi itong ibenta bilang pagkain. Dito naman sa siyudad, ang madalas mong makikita ay mga aso, pusa, daga, ipis… at hindi mawawala ang mga isda na nakalagay sa aquarium!
Kagabi lang ay nagkaroon kami ng 50gal. aquarium sa bahay na kasalukuyang naka-display sa may garden ng bahay. Natuwa ako at napagtanto kong ito ang aking i-review sa entry kong ito.
UP Fair
February 15, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Espesyal na Araw
Pangalan: UP Fair

Mga banda, iba’t-ibang pagkain at samu’t-saring bilihin… yan ang matatagpuan mo sa UP Fair!
Ang UP Fair ay isang linggong kasayahan na ginaganap sa Sunken Garden ng Unibersidad ng Pilipinas. Isang malaking bahagi ng lugar ang nililiban para gawing “fair area”, habang dun naman sa ibang parte na medyo madilim eh “tuloy ang ligaya”!
Valentine’s Day
February 14, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Espesyal na Araw
Pangalan: Valentines Day (Araw ng mga Puso)

Maligayang Araw ng mga Puso sa inyong lahat! Opo… ika-14 na naman ng Pebrero at ito ang panahon kung kailan marami kang makikitang mga taong may bitbit na mga bulaklak o kaya’y tsokolate. Para sa mga babae, ito ang araw na malaki ang tsansa nilang makatanggap ng samu’t-saring regalo. Para naman sa mga lalake, pagkakataon na nila itong mag-alay ng regalo sa mga matagal na nilang sinisinta pero wala silang lakas ng loob para lumapit.
Nakaka-aliw ang Araw ng mga Puso, lalo na sa pananamit. Marami sa atin ang nagsasadyang mag-suot ng kulay pula. Kung hindi naman, ang makikita mo ay mga naka-kulay itim. Di mo tuloy alam kung may rally na mangyayari. (Marami rin naman ang walang pakialam sa suot nila, tulad ng mahal ko na kasalukuyang naka-suot ng kulay asul.)
Magneato
February 13, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Laruan
Pangalan: Magneato

Lego. Brick game. Magic Spring. At ngayon naman heto… ang Magneato!
Ang Magneato ay gawa sa mga magnet at ang pangunahing layunin nito ay makabuo ka ng mga bagay-bagay gamit ang mga piyesang matatagpuan sa kahon nito. Kumbaga, para itong Lego kaya lang dikit-dikit talaga.
Binubuo ang Magneato ng mga magnet na pahaba na iba-iba ang kulay tsaka mga magnet na hugis bilog. Sa pamamagitan ng mga ito, maaari ka nang makabuo ng iba’t-ibang kombinasyon. Nakakaaliw talaga!
Bagong Tahanan
March 14, 2006
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Sa wakas! Nakahanap din ng bagong tahanan para sa aking mga rebyu at mga sulatin! Kung hindi dahil sa aking irog ay hindi ko matatagpuan ang i.ph. Ayos na ayos!
Bukod sa maganda na ang template, libreng-libre ang lugar na ito. Hindi tulad doon sa lecheng blog-city na kailangan nang magbayad.
Sisimulan ko na ang paglilipat mga katoto! Nawa’y tangkilikin niyo pa rin ang mga sulat ko.
Babayu!
PS: Ang blog na ito ay ginawa nitong Mar. 14, 2007. Kaya ko ginawang 2006 ay para mas mauna itong welcome note kaysa sa mga entries ko mula sa Rebyu sa Blog-city
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *













