Home » Tags
Rubik’s Cube
May 8, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Laruan
Pangalan: Rubik’s Cube

Ikot pakaliwa. Ikot pakanan. Ikot sa taas. Ikot mata. Ikot ulo. Patay. (Bula bibig)
Ito ang madalas na eksena tuwing may makikita kang taong naglalaro ng Rubik’s Cube. Ayon sa karamihan, pampatalino ang paglalaro ng Rubik’s Cube dahil talagang gagana ang isip mo kakaikot ng mga piyesa para mabuo ang anim na sulok na magkakapareho ang kulay. Pero kung pampatalino ito, bakit mas lalong nakakabobo (at nakakabuwisit) kapag kinakalikot ang laruan na ito?













