Home » Tags
Puerto Prinsesa Subterranean Underground River National Park
April 22, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Lugar
Klase: Kuweba
Pangalan: Puerto Prinsesa Subterranean Undergound River National Park (Palawan)
(Pangatlo sa apat na blogs sa “Palawan” series) (1) (2) (4)

Ang haba ng pangalan di ba? Pero nararapat lang ito para sa isang lugar na may bansag na “longest subterranean underground river in the world”.
Ang Puerto Prinsesa Subterranean Undergound River National Park (UR for short) ay isa sa mga tanyag na tourist spots sa Palawan. Ito ay isang trip kung saan ang mga tao ay sasakay sa isang bangka at, kasama ang isang guide, ay papasok sa kuweba na may ilog na may haba na 8 km! Opo… walong kilometro ang haba! Kaya lang, 1.5 km lang ang pinapa-tour sa mga tao dahil kung 8 km nga naman eh kawawa naman yung mga guide na bukod sa nagsasalita eh nagsa-sagwan pa!













