Home » Tags
Pinoy Kamasutra
July 17, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Pinoy Kamasutra (ni Katya Santos)

ANG LAKI… ng utak ng taong nakaisip na gumawa ng pelikulang Pinoy Kamasutra. Pinagbibidahan ni Viva Hotbabe Katya Santos, ang Pinoy Kamasutra ay sinadya para sa mga magsing-irog na nagkukulang sa kanilang “init”. Mapapanood sa palabas ang iba’t-ibang posisyon na ginagawa sa pakikipagtalik para mas nakaka-enjoy. Siyempre, dahil Pinoy nga ang pelikula, hindi maiiwasan na sa dibdib masyado naka-focus ang mga angulo ng camera.
ANG LUSOG… ng aking tiyan dahil kumakain ako sa opisina nang una kong mapanood ang Pinoy Kamasutra. Kasama kasi sa trabaho ko ang manood ng mga ganitong palabas. Siyempre, sinuri ko na rin ang husay ng mga artistang gumanap dito pati na rin ang mga ginagawa nilang istilo… kahit na wala tayong alam sa mga pakikipagtalik na yan… good boy ako eh!













