Home » Tags
Kaarawan ni Rizal
June 19, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Espesyal na Araw
Pangalan: Kaarawan ni Rizal

Hunyo 19, 1861. Ito ang araw ng kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal (na sa mga susunod na talata eh tatawagin na lang natin sa palayaw na “Joe”). Ngayong 2007, ginugunita natin ang ika-146 na anibersaryo ng kanyang kapanganakan. Nararapat lang naman talaga itong ipagdiwang dahil kung hindi kay Joe, hindi sana nagkaroon ng katapangan ang iba pa nating mga bayani para labanan ang kampon ng mga Kastila.
Alam ng lahat ng nag-aral ng Hekasi at Sibika at Kultura na ang ginamit ni Joe na pang-laban sa mga dayuhan ay ang kanyang ballpen at papel. Hindi naman siya kasing laki ni Yao Ming at kasing-katawan ni Batista. Kung lumaban siya na mala-Andres Bonifacio eh baka hinimatay na siya. Iba ang istilo ng pakikipaglaban ng ating bayani at ito ang tunay na hinangaan ko sa kanya.













