Home » Tags
Macarthur (Bob Ong)
July 18, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Libro
Pangalan: Macarthur (Bob Ong)

Si Bob Ong ay idol ko simula pa nung sinulat niya ang pinaka-paborito kong libro na “ABNKKBSNPLKo”. Tila ginanahan akong magsulat sa Tagalog dahil sa kanya. Nawiwili akong magbasa ng mga naisulat niya kaya naman na-kumpleto ko lahat ng libro niya. Lahat kasi eh kwela at talagang mapapaisip ka sa kung bakit ganoon na lamang ang pananaw ni Bob Ong sa bagay na iyon. Masaya… nakakagaang ng loob.
Pero lahat ng ito ay naiba sa ika-anim niyang libro, ang “Macarthur”. Isa itong manipis na libro na ang istilo ng pagsulat ay pa-kuwento, tulad ng kanyang “Alamat ng Gubat”. Alam natin na pag Bob Ong eh masaya at makulit ang takbo ng kuwento. Kaso, sa “Macarthur”, naging malagim at seryoso ang tema. Para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat.













