REBYU

Mga pansariling pananaw sa iba't-ibang bagay na nakikita, napupuna at natatagpuan.

iBlog4 Summit

April 26, 2008

Ako’y lumipat na!
Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network!
Mag-click lang dito!

Kategorya: Pangyayari
Klase: Pagtitipon
Pangalan: iBlog4 Summit

iBlog4 Summit

Napakarami nang manunulat dito sa Pilipinas. Magmula sa diyaryo hanggang sa mga telenobela, hindi makakaila na ang mga Pinoy ay magagaling na mga writers. Ito’y lalo pang nakikita sa mga kababayan nating nagsusulat online ng kanilang mga “weblogs” o mas kilala sa tawag na blog. Itong taglish o Rebyu ay isang uri ng blog. Pero ngayong araw na ito, marami akong natuklasan at nakilalang mga bagong manunulat dahil sa pagtitipon na naganap sa iBlog4 Summit.

Sa UP Diliman ginanap ang iBlog4 Summit. Dumalo kami dito ng aking Honey pero medyo late na kami nakarating. Gayunpaman, naabutan namin ang mahuhusay na speakers na nagkuwento at nagbigay ng mga payo sa bawat larangan ng blogging. Magmula sa pro-blogging hanggang sa podcasting at video blogging, ang bawat paksa ay tumutukoy sa mga maaaring gawin sa isang pansariling blog.


Ang naabutan naming paksa ay tungkol sa problogging o ang pagkakaroon ng bayarang blog (parang ang pangit pakinggan). Magaling ang nagsalita tungkol dito at talagang napapa-isip ako kung gumawa na rin ako ng paraan para kumita ang Rebyu. Napakinggan din namin ang tungkol sa podcasting at video blogging. Sa totoo lang, pangarap ko ding gumawa ng mga ganito kaya lang eh kulang ang aking kagamitan.

Napag-usapan din ang tungkol sa photo blogging. Nakaka-aliw ang kuwentuhan dito at kamangha-mangha ang mga litratong ginamit sa presentation dito. Medyo nagkatamaran lang nung napag-usapan nung hapon ang tungkol sa political blogging. Sa sobrang antok namin ng Honey ko eh napilitan kaming maghanap ng website (free wifi sa lugar kaya’t solb na solb kami sa Net) na matatawa kami.  Natapos ang kuwentuhan sa blogging experience ng mga taga-Davao at Mindanao.

Nakakatuwa ang iBlog4. Nagsilbing daan ito para makakilala kami ng mga iba pang bloggers at para makita na namin sa personal ang mga hinahangaan naming manunulat.  Nagulat din kami ng Honey ko nang makilala kami ni Tom at ng kanyang asawa na si Ailecgee. Kakaibang experience talaga ito at tinitiyak namin na gaganahan kaming sumama sa iba pang blog meetups sa Pinas na gaganapin sa lungsod ng Maynila.

Deyey’s Approval: 91% 

* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *

AddThis Social Bookmark Button

 


Posted by taglish at 11:06 pm | permalink

Previous Comments

Maraming salamat sa inyong pagsali sa iBlog4. Sana ay huwag kayo magsawa.

Posted by Janette Toral at April 27, 2008, 11:20 am

nakapunta rin ako rito… sayang at hindi po tayo nagkakilala hehehe..

http://hiraya.co.nr

Posted by fjordz at April 27, 2008, 2:44 pm

sana nxt time may chance ako mapasama jan. nice naman

Posted by eli at May 3, 2008, 4:12 pm

Nagagalak kami at nakilala namin kayo! Sana magkita tayong muli sa susunod na pagtitipon.

Posted by Tom at May 4, 2008, 11:11 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








Mga Paalala

Mag-Iwan ng Mensahe

edzzy:

keep it up

edzzy:

I agree to all your post..

Watch Pacquiao Vs Margarito:

The Upcoming Big Boxing Event in the world.

salt movie 2010:

watch salt movie 2010

DAM 999 Movie:

Droppin by. sharing upcoming movie “DAM 999″.

Latest Movies Online:

Droppin by here keep it up blogger. :) just sharing my blog about latest movies online.

IE:

huhvoylugvfir6t7ufrviufruityguigi

IE:

eh kung ayaw kaya naman namin mag sulat sa abs-cbn… mag u-scoop na lang po kayo sa GMA

IE:

ANG GANDA PALA NG SAN JUAN!!!!!!!!!!!!!!!

mikaela:

ang ganda naman ng san juan feast!!!!!!!!!!!!!!!!1sw

keitots:

your english sucks! wag ka na mag english.. shit..

The Healthy Style:

here i come

FinanceZone:

woyoooo…here i come

World News Edutainment:

stoppin by

Berita Terbaru 2010:

been here

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

zeli:

haha.. nasagot din ang tanung ko. tnx

Leave a message ▼

Ako'y Pinoy Blogger