Home » Post Item » UFC 97: Silva vs. Leites
UFC 97: Silva vs. Leites
April 19, 2009

Hindi ako madalas manood ng Ultimate Fighting Championship (UFC) na live telecast pero inaasahan ko naman na kapag nanood ako eh gaganahan ako. Nakakainis lang na itong nakaraan na UFC 97 eh talagang naging super boring lalo na yung main event. Tinuring pa namang main event… olats pa! Bad trip!
Ang main event kasi ng UFC 97 ay si Anderson “The Spider” Silva laban kay Thales Leites. Parehong taga-Brazil. Parehong magaling sa suntukan. Parehong mautak. Kaya naman inasahan kong magiging maganda ang laban nila, lalo na’t si Silva ay talagang napakahusay sa mga ganitong klaseng bakbakan. Yun pala, ang makakalaban ni Silva ay isang lampang gulay na mas gusto pang nakahiga kaysa makipag-bakbakan.
Alas-onse pa lang nang umaga ay sinubaybayan ko na ang magiging bakbakan ni Silva at Leites. Alam ko kasing astig ang laban dahil:
- Championship ito para sa Middleweight Class (si Silva ang kampeon)
- Si Silva ay tanyag na manlalaro sa UFC dahil karamihan ng atake niya ay sumasapul sa kalaban
- Pareho silang may ipagmamalaki sa mundo
Bago pa man umabot sa bakbakang Silva at Leites, nauna munang nagharap si Chuck “The Iceman” Lidell at Mauricio “Shogun” Rua. Si Lidell ay “legend” na sa UFC habang si Rua naman ay isa sa mga pinakamalakas na malalaro ng Mixed Martial Arts (MMA). Sa kanilang sagupaan, napabagsak ni Rua si Lidell sa isang malupit na suntok. Tila ito na ang katapusan ni Lidell sa larangan ng MMA dahil hindi na niya masabayan ang mga bagong salta sa UFC.
At nung si Silva at Leites na nga ang nagharap, lalo akong nabuhayan ng dugo. Pero nalinlang lang pala ako dahil naging SUPER BORING ng laban nila. Kahit nga yung mga live audience eh nabuwisit sa suntukan nila. Itong si Leites kasi eh higa lang nang higa habang sugod naman ng sugod si Silva. Kahit na anong galing ni Silva eh wala itong nagawa dahil puro nga higa itong si Leites.
Sayang talaga ang isa’t kalahating oras ng paghihintay sa laban na ito. Sana lang talaga sa susunod na laban ni Silva eh kasing agresibo ni Pacquiao ang makaharap niya para naman matuwa ang mga manonood.
Deyey’s Approval: 20%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa “taglish.rebyu @ gmail . com” *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













