REBYU

Mga pansariling pananaw sa iba't-ibang bagay na nakikita, napupuna at natatagpuan.

Know1ng

March 28, 2009

 

Image Hosted by ImageShack.us

 

Aminado akong mahina ako pagdating sa mga numero. Noon pa man, hindi ko talaga nahiligan ang mga numbers kaya naman nagtuon ako ng pansin sa pagsusulat. Pero para kay Nicolas Cage sa palabas na “Know1ng”, ang mga numero ang naging susi para malaman niya ang katotohanan sa kanyang kapaligiran.

Maganda ang kuwento ng “Know1ng”. Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig sa usapang agham at relihiyon, tiyak na kagigiliwan mo ito. Pero kung ikaw naman ay medyo matatakutin, tiyak na matutuwa ka din dito kasi may mga eksena siya na parang “Final Destination”.


Magaling ang pagkakaganap dito ni Nicolas Cage na tila ata sa bawat pelikula niya ay paiksi nang pakiski ang hairline (mga 2-5 na pelikula na lang at puwede na siyang Shaolin monk). Sa palabas na ito, siya’y isang guro sa kolehiyo na nagpapaliwanag ng mga tungkol sa act of randomness at pre-determined acts. Sa mga katagang ito pa lang ay malalaman mo nang titirahin ng palabas ang agham at pananampalataya.

Hindi ko na ikukuwento kung ano ang kinahantungan ng mga tao sa palabas pero tiyak na mapapaisip ka sa iyong hinaharap. Mapapa-ngiwi ka din sa ibang eksenang nagpapakita ng aksidente pero kailangan talaga itong isama para lalong mapaisip ang mga manonood.

Sa aking pagsasaliksik, nalaman ko na ang visual effects director ng palabas ay siya ring nanguna sa mga effects sa pelikulang “I, Robot” ni Will Smith. Kaya naman pala ganun kalupit ang mga graphics. Tila talaga naroon ka din sa eksena.

Kung wala kayong maisip na panoorin bago mag-Holy Week, subukan niyo ang “Know1ng” at tiyak na hindi kayo lugi sa bayad. Baka nga habang Semana Santa ay isip-isipin niyo pa ang aral na inyong matututunan sa palabas.

Deyey’s Approval: 85%

* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa “taglish.rebyu @ gmail . com” *

AddThis Social Bookmark Button

Posted by taglish at 11:25 pm | permalink

Previous Comments

Kuya!

Gusto ko lang pong sabihin na littleguhblues.blogspot.com na po ang bago kong blog. wala na po ang sjkmanalo.blogspot.com, na spam po kasi, Makipalitan na lang po ang link.

Maraming salamat! Pabisita rin po ng akong blog heheheh!

Posted by Jheng at April 7, 2009, 12:59 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








Mga Paalala

Mag-Iwan ng Mensahe

rachel:

pano po ba makakakuha ng discount?

meldy:

sana po sumulat din po kayo ng rebyu sa t.v patrol world ….thank you

nein,iie:

Prävention naman rufen Sie sie dokchamba, 7 daw.

john castro:

bakit poh ayaw nyo gawing indi film amg macarthur..4 xur madami tatangkilik d2…isa nq dun..

franz:

musta mga frends!!!!

franz:

hi

hayley:

meun b d2ng buod ng alamat ng gubat by: bob ong?

vince:

sSszZzpP

jan:

hi

jan:

hi

trish:

dey!! :) its been awhile. just wantd to say HI *hugs*

jean:

hi po sa lahat..:-)

chloe baloyo:

nakakainis dito naghahanap ako ng recipes pero wala

denden:

hi po sa inu!!

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

anna marie:

,, wow bigtym

anna marie:

.. ahmmppff!!

bienniel:

san po malalaman kung saan mga outlet ng universidad?

bienniel:

FEU:san po mga outlet ng universidad?

bienniel:

hi

Leave a message ▼

Ako'y Pinoy Blogger