Home » Archives » March 2009
Know1ng
March 28, 2009

Aminado akong mahina ako pagdating sa mga numero. Noon pa man, hindi ko talaga nahiligan ang mga numbers kaya naman nagtuon ako ng pansin sa pagsusulat. Pero para kay Nicolas Cage sa palabas na “Know1ng”, ang mga numero ang naging susi para malaman niya ang katotohanan sa kanyang kapaligiran.
Maganda ang kuwento ng “Know1ng”. Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig sa usapang agham at relihiyon, tiyak na kagigiliwan mo ito. Pero kung ikaw naman ay medyo matatakutin, tiyak na matutuwa ka din dito kasi may mga eksena siya na parang “Final Destination”.
Axe Dark Temptation
March 27, 2009

Nakakatuwa ang konsepto ng mga gumagawa ng pabango. Lahat na ata ng amoy ay nagawa na ng mga kompanyang ito. May mga pabango na gagawin kang mala-anghel sa bango. Meron din namang parang bagong tubong bulaklak ang aroma. Kulang na lang ay gumawa sila ng pabango na mangangamoy gasolina ka at maa-adik sa iyo ang mga adik…
Hindi nagpahuli ang Axe sa paggawa ng mga kakaibang amoy. Heto nga’t naglabas na naman sila ng bagong fragrance na tinatawag nilang “Dark Temptation”. Kapag nag-spray ka nito sa iyong katawan, magiging mala-tsokolate ang iyong amoy. Opo, tsokolate ang magiging ka-amoy mo. Lahat ng makaka-amoy sa iyong tsikas ay ihahambing ka sa isang tsokolate. Pati mga langgam, tsokolate din ang tingin sa iyo.













