Home » Post Item » Tokyo Tokyo
Tokyo Tokyo
January 14, 2009
Dahan-dahan na tayong sinasakop muli ng mga dayuhan hindi sa pamamagitan ng puwersa kundi sa pamamaraan ng pagkain. Kung inyong mapapansin, lahat na ata ng klase ng putahe mula sa buong mundo eh matatagpuan na sa Pilipinas. Meron nang mga tsibog na galing sa Tsina at Amerika. Meron na ding galing sa Pransya, Italya at India. Siyempre, hindi rin nagpahuli ang mga Hapon.
Isa sa pinakatanyag na Japanese restaurant sa bansa ay ang Tokyo Tokyo. Tulad ng karamihan ng mga restaurant sa Pilipinas, semi-fastfood style ang service sa tsibugang ito. Bale magbibigay ka muna ng order sa counter tapos dadalhin ng mga waiter ang pagkaing binili mo. May kasarapan ang pagkain nila kaya naman hindi nakakagulat na maraming tao ang nagpupunta dito.
Iba’t-ibang sangkap ang makikita sa Tokyo Tokyo. May mga tsibog sila na may karne, hipon, at manok. Karamihan din ng mga “value meals” nila eh may kasama nang gulay. Kaya naman kung ikaw ay hindi mahilig sa gulay, mapipilitan kang kumain dahil hindi sulit ang bayad mo.
Sikat din ang Tokyo Tokyo sa mga taong sobrang gutom na talaga. Sa bawat order mo ng meal ay mayroon kang “unlimited rice”. Bale may rumurondang waiter na may dalang lalagyan ng kanin. Pag nakita niya ang plato mo na wala nang kanin, agad siyang susulpot sa tabi mo at tatanungin ka kung gusto mo pa tumaba ng kanin. Sa mga taong kakaunting kagat na lang ay busog na, nagbibigay naman ang Tokyo Tokyo ng half rice.
May mga meal din sa Tokyo Tokyo na sapat na para sa dalawang tao. Ang tawag nila dito ay “Sumo Meals”. Nasa isang plato lang kanin at ang napakaraming ulam. Karamihan ng bumibili nito ay mga magsing-irog na hindi na nagkakahiyaan kahit na tumulo pa ang uhog nila sa kanin.
Mura lang naman ang pagkain sa Tokyo Tokyo at kayang-kayang kainan ng masa. Dahil din sa unlimited rice kaya dumadami ang mga nagtitipid na dumadayo dito. Sila ang mga taong susubo lang ng konting ulam tapos tatlong subo agad ng kanin.. kakaibang istilo na ang resulta ay ang paglaki ng tiyan.
Kung datnan kayo ng gutom at hindi niyo pa mapag-isipan kung saan masarap kumain, subukan niyong dumaan ng Tokyo Tokyo at tiyak na kabusugan ang makukuha niyo.
Deyey’s Approval: 86%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













