Home » Post Item » Bitag
Bitag
January 13, 2009

Sa ilang buwan kong pamamalagi dito sa bahay, ako’y nahumaling sa panonood ng Bitag tuwing pagkagising ko. Ang Bitag ay isang palabas sa telebisyon na pinangungunahan ni Ben Tulfo at tumatalakay sa mga isyung hindi gaano natutuunan ng pansin sa ibang palabas na pang-balita. Sa mga mahihilig sa maaksyong tagpo, ito ang palabas na para sa inyo.
May mga kasamahan si Ben Tulfo sa kanyang grupo at gumagawa sila ng iba’t-ibang pamamaraan para maipagtanggol ang mga nagsusumbong sa kanila. Undercover ang istilo ng kanilang operasyon kaya’t nagugulat na lang ang mga taong binabantayan nila kapag may bigla na lang magpo-posas sa kanilang mga pulis.
Ang ikinatutuwa ko sa Bitag ay ang pamamaraan ni Ben Tulfo kapag kaharap na niya ang taong may sala. Tila ba hindi siya natatakot sa kung sino man ang mabangga niya. Ang mga itlog ni Ben Tulfo ay gawa sa bakal… hindi siya umuurong kahit na gaano pa ka-brusko o gaano pa kalakas sa batas ang hinuhuli niya.
Nakakatuwa nga tuwing napapatiklop ni Ben Tulfo ang mga may sala sa bawat palabas. Kitang-kita sa camera na para bang gusto nang maihi sa takot ng mga taong binabangga niya. Bilib din talaga ako sa tapang at karakter ni Ben Tulfo. Astig talaga.
Ang nakakatuwa din sa Bitag ay ang kanilang pamamaraan sa pagpuri sa mga taong gumagawa ng tama. Bale patas lang talaga. Kapag nahuli ka nila na gumagawa ng kabutihan, hahangaan ka nila at pararangalan. Pero pag nabuko ka na may ginagawang kabalastugan, asahan mo nang susugurin ka na ng mga pulis at barangay tanod sa iyong lugar!
Deyey’s Approval: 89%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














maganda ang layunin ng bitag pero may isang bagay sila na maling nagawa… pakirebyu po ang salvage survivor episode…
mariin nilang itinuro ang lugar ng Bacoor Cavite pero idinamay nila ang lahat ng Haring Bakal.
at ang malala pa dito… Mariin nilang itinuro, binanggit ng paulit-ulit sa kanilang palabas ang Haring Bakal sa Bacoor pero ang video na ipinapakita nila ay Haring Bakal sa Batangas Chapter…
Si Jesus Verallo Jr ang idinamay nilang mukha na wala namang kinalaman sa krimeng kanilang tinutukoy…
Humihingi po ako ng tulong sa pamamagitan ng rebyu kung ano ang masasabi niyo sa ganitong pangyayari?
Posted by Me-ann at July 30, 2009, 2:23 pm