Home » Archives » January 2009
Tokyo Tokyo
January 14, 2009
Dahan-dahan na tayong sinasakop muli ng mga dayuhan hindi sa pamamagitan ng puwersa kundi sa pamamaraan ng pagkain. Kung inyong mapapansin, lahat na ata ng klase ng putahe mula sa buong mundo eh matatagpuan na sa Pilipinas. Meron nang mga tsibog na galing sa Tsina at Amerika. Meron na ding galing sa Pransya, Italya at India. Siyempre, hindi rin nagpahuli ang mga Hapon.
Isa sa pinakatanyag na Japanese restaurant sa bansa ay ang Tokyo Tokyo. Tulad ng karamihan ng mga restaurant sa Pilipinas, semi-fastfood style ang service sa tsibugang ito. Bale magbibigay ka muna ng order sa counter tapos dadalhin ng mga waiter ang pagkaing binili mo. May kasarapan ang pagkain nila kaya naman hindi nakakagulat na maraming tao ang nagpupunta dito.
Bitag
January 13, 2009

Sa ilang buwan kong pamamalagi dito sa bahay, ako’y nahumaling sa panonood ng Bitag tuwing pagkagising ko. Ang Bitag ay isang palabas sa telebisyon na pinangungunahan ni Ben Tulfo at tumatalakay sa mga isyung hindi gaano natutuunan ng pansin sa ibang palabas na pang-balita. Sa mga mahihilig sa maaksyong tagpo, ito ang palabas na para sa inyo.
May mga kasamahan si Ben Tulfo sa kanyang grupo at gumagawa sila ng iba’t-ibang pamamaraan para maipagtanggol ang mga nagsusumbong sa kanila. Undercover ang istilo ng kanilang operasyon kaya’t nagugulat na lang ang mga taong binabantayan nila kapag may bigla na lang magpo-posas sa kanilang mga pulis.
ULITAN!!!
January 12, 2009Takte! Ilang buwan din akong hindi nakapag-post sa blog ko! Na-miss kong magsulat dito!!! Waahhh!!!
Sobrang hectic kasi ng buhay nitong mga nakaraang buwan. Ang dami kong ginagawa araw-araw kaya’t pati ang pagsusulat ko eh hindi ko na naasikaso.
Hindi na ako nakakapag-rebyu. Sayang, ang dami pa namang mga kaganapan na nangyari at ang daming bagay na aking nakita at napuna. Sayang talaga.
Kaya ngayong bagong taon… 2009… ULITAN!!!
Uulitin ko ang pagsusulat dito… uulitin ko ang blog na ito… babaguhin ko ang format para mas madaling magsulat. Hindi ko aalisin ang mga dati kong entry para sa mga hindi pa nakakadalaw dito.
Pero aayusin ko na ulit ang pagsusulat… maglilinis ako ng site para kaaya-aya naman sa mga bagong mambabasa. Hayy… nakaka-miss!!!!
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *













