Home » Post Item » Boston Celtics
Boston Celtics
June 18, 2008Kategorya: Tao
Klase: Koponan
Pangalan: Boston Celtics

(Litrato mula sa Wikipedia)
Muli na naman pong naging kampeon sa NBA ang Boston Celtics! Opo, ngayong araw na ito ay napanalunan ng Celtics ang kanilang ika-17 titulo sa pamamagitan ng pagpapatumba sa Los Angeles Lakers. Siyempre, masayang-masaya na naman ang mga tao sa Boston, lalo na’t ang huli nilang kampeonato ay noong panahon pa ni Larry Bird.
Pero mas masaya ang mga kasalukuyang manlalaro ng Boston, partikular na sina Kevin Garnett, Ray Allen at Paul Pierce. Bago mag-simula ang season, meron silang matinding pagkaka-pareho: matagal na sila sa liga pero wala pa rin silang championship. Ngayon, nakamit na nila ang tugatog ng tagumpay.
Lingid sa kaalaman ng mga hindi mahilig sa basketball, ang Boston Celtics ang may hawak ng pinakamaraming kampeonato sa larangan ng NBA. Paano ba naman, niratrat nila ang liga noong 1960s nang magkamit sila ng sunud-sunod na panalo. Tapos, nung dumating sa kanila si Larry Bird eh nakapag-kampeon pa uli sila. Magmula noon, hindi na sila nakabalik pa muli sa NBA Finals. Pero ngayon, matapos ang ilang taon, nakabalik na sila… at nag-champion pa!
Ang pinakamasaya siguro sa mga manlalaro ng Boston Celtics ay si Paul Pierce. Siya kasi ay matagal nang player ng Boston. Bale nung na-draft siya, Boston na talaga siya. Marami na siyang naging kakampi pero hindi sila naging sapat para matulungan si Pierce sa opensa. Kaya naman bago magsimula ang season, minabuti ng Boston office na sungkitin mula sa ibang koponan ang kanilang magagaling na players.
At ayun nga, nahatak si Kevin Garnett mula sa Minnesota at si Ray Allen mula sa Seattle. Si Garnett ay tanyag na bilang isang mahusay na manlalaro. Dahil sa tangkad at haba ng kanyang mga galamay, naging isa siyang mahusay na defensive player. Si Allen naman eh sumikat dahil sa bangis ng kanyang shooting. Kapag iniwan mo siya nang libre, asahan mo nang ibu-buslo niya ang bola.
Noong hindi pa sila magkakasama, nakita nina Garnett, Allen at Pierce ang ibang mga koponan na sunud-sunod na taon kung makakuha ng kampeonato. Siyempre, nai-inggit sila at umaasang balang-araw ay makakuha rin ng championship. Kaya naman nang mabigyan ng pagkakataon na bumuo ng bagong grupo eh hindi nag-atubili na magsanib-puwersa ang tatlong player. At ito na nga ang kinalabasan: champions ang Boston!
Ako’y nagagalak para sa koponan nila lalo na dun sa tatlong players. Sa wakas may championship na sila. Makakapag-retiro na sila sa hinaharap na may ipagyayabang sa kanilang mga anak. Naging maganda ang kanilang pagsasamahan at nabiyayaan nila ang kanilang koponan ng isa pang kampeonato. Magaling talaga.
…sana naman sa susunod na taon eh Utah Jazz naman ang mag-champion para naman maging masaya na din ako sa basketball life ko!
Deyey’s Approval: 89%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
lakers kami
Posted by kianne14 at October 19, 2008, 2:12 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














Pare, Tama Ka!
Posted by EideX at June 22, 2008, 4:40 amDapat Next Year Utah Jazz naman!