Home » Post Item » Yaiba
Yaiba
May 21, 2008Kategorya: Pangyayari
Klase: Palabas
Pangalan: Yaiba

Paboritong-paborito ko noon ang ABC-5. Dito kasi madalas ipalabas ang magagandang anime. Tandang-tanda ko pa noon na sinusubaybayan ko ang palabas na “Yaiba: The Legend of the Master Swordsman”. Sa totoo lang, medyo kiddie ang dating ng palabas pero natuwa talaga ako sa kuwento niya kaya’t lagi ko siyang inaabangan.
Ang kuwento ng Yaiba ay tungkol sa isang bata na nakakuha ng mahiwagang espada. Hindi niya alam na ang espadang iyon ay may kambal, at ito naman ay nakuha ng kanyang kalaban. Parehong may butas ang kanilang mga espada kung saan puwede silang maglagay ng mahiwagag bola na may pansariling kapangyarihan. Simple lang ang drawing ng Yaiba pero tunay na pinag-isipan talaga ang kuwento.
May halong comedy at action ang Yaiba. Dahil nga pambata, hindi siya kasing violent ng Dragonball o kaya Bleach. Gayunpaman, hindi nawawala ang maaaksyong tagpo, lalo na pag may nakakalaban na si Yaiba na halimaw o kaya kampon na pakawala ng kanyang karibal. Astig na astig din ang mga moves na gamit niya sa palabas na ito at talaga namang nakaka-aliw.
Tulad ng karamihang anime, may mga kasamang tropa si Yaiba sa kanyang pagtugis sa kalaban. Laging may katatawanan sa mga adventures ni Yaiba, lalo na pag yung master niya ang kanyang kasama. Medyo may pagka-sexist din ang palabas dahil lagi na lang may lolo na naninilip sa mga palda ng babae. Meron ding bida na wala nang alam gawin kundi ang magpa-pogi. Halo-halong karakter kaya’t nagiging masaya ang palabas.
Nakakainis lang talaga at mukhang walang balak ibalik ng kahit anong network ang Yaiba. Para bang mas gusto pa nilang paulit-ulit na ipalabas ang laos na anime kaysa sumubok sa mga pumatok noon. Tiyak na pag ipinalabas muli ang Yaiba eh maraming bata ang susunod sa kanyang adventures. Dadami din ang mga bata na magkakagusto sa laruang espada na tulad kay Yaiba. Yayaman na naman ang bansang Hapon!
Deyey’s Approval: 80%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
astig naman ng website mo!!!
favorite ko din si yaiba!
Posted by onin at November 10, 2008, 4:32 pmMasaya talagang panoorin ang yaiba.Isa sa paborito kong childhood anime.Compared to other animes hindi siya violente
Posted by Joy at November 3, 2009, 6:57 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














eh panung hindi gaganda ang yaiba eh si gosho aoyama ang gumawa nian.. ang taong lumikha din sa paborito ng lahat na anime ang detective conan..
Posted by emerson at September 17, 2008, 9:25 pm