Home » Post Item » 88DB Bloggers Party
88DB Bloggers Party
April 26, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pagtitipon
Pangalan: 88DB Bloggers Party
Kakaiba mag-trip ang mga taong pare-pareho ng hilig. Ngayong gabing ito ay nagsama-sama ang ilan sa mga bloggers sa Pilipinas at dumalo sa isang pagtitipon na hatid ng 88DB. Ang kompanyang ito ay maglalabas ng website para sa mga freelancers para madali silang mahanap ng mga taong nangangailangan ng serbisyo nila. Kahit na parang “self-gratification” ang dating para sa 88DB, lumabas na naging kasaya-saya ng buong party at talagang nag-enjoy ang mga tao.
Ang karamihang dumalo sa 88DB Bloggers Party ay nanggaling sa iBlog4 Summit -isa pang pagtitipon para sa mga bloggers. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao para makilala ang iba pang manunulat at magkaroon ng “link exchange”. Dito namin nakilala ng Honey ko ang mga tulad nina Tom, Ailecgee, Raredog, Micamyx, Technofied, at marami pang iba.
Medyo marami nang tao nang makarating kami ng Honey ko sa lugar ng pagtitipon. Gayunpaman, nakahanap kami agad ng upuan sa tulong ni Peter Juan, ang isa sa mga bossing ng i.ph. Sa mesa ay marami nga kaming nakilalang mga bloggers. At nang magsimula na ang kasayahan, lahat kami eh tutok na tutok sa mga pangyayaring naganap sa loob.
Nagkaroon ng maraming palaro sa 88DB Bloggers Party. Nauna na rito ang “Human Bingo” kung saan kinakailangang mahanap ng bloggers ang mga taong tinutukoy sa isang papel na binibigay kapag papasok ka sa pagtitipon. Meron ding “Bring Me” na sikat na sikat sa kahit saan mang okasyon. Nagkaroon pa ng “Beer Drinking Contest” at “Best in Costume” na talaga namang kinatuwaan ng mga taong naroon sa lugar na iyon. Naroon din ang CEO ng 88DB na para bang namamangha sa pagiging “game” ng mga Pinoy sa kahit anong pangyayari.
Libre ang pagkain at inumin sa 88DB Bloggers Party. Meron ding free Fotoloco sessions kung saan kukuhanan kayo ng apat na shots na puwede niyong maging remembrance sa tipon. Pero ang pinaka-wagi sa lahat ay ang pagkakaroon ng mga nakapag-register ng free calling card. Opo… libre po yung calling card! Sobrang astig talaga na lalo kong ikinatuwa sa kompanya.
Nawa’y magkaroon pa ng iba pang pagtitipon na tulad nito dahil sobrang nakakatuwa talaga. Ako’y saludo sa mga nanalo sa mga contests. Sana ay balang-araw eh makakilala pa ako ng iba pang bloggers para lumaganap na din ang koneksyon ng bawat isa hanggang sa magkaroon ng matibay na pinag-isang blogging community sa buong Pilipinas.
Deyey’s Approval: 93%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
waahahhhh!! sayang hindi na kami nakapunta rito.. nagkaroon kasi ng problema kaya pagkatapos ng iBlog4 e umuwi na kami sayang…
Posted by fjordz at April 27, 2008, 2:41 pmKamusta po kayo? Ako man ay nagagalak din na makilala kayo ng iyong irog. Nawa’y maulit muli ang ganitong pagtitipon
Nice meeting you again!
Hehe.. link luvin’ na! weeeee.. sa susunod ulit na pagtitipon
Review mo naman ang Coffee Prince.. hehehehe
Posted by Cai at April 27, 2008, 9:42 pmNice meeting you Deyey! Sa susunod me dala ka ng gas receipt ha. lol
I got 2 t-shirts as remembrance for Iblog4 and 88DB.com, pede na kahit nde ko naiuwi yung PSP (asa pa ako)di ba? hehehe
Posted by geri a.k.a. raredog at April 27, 2008, 10:13 pmNakakatuwang makilala ng personal ang mga kakilala mo online. Mas natuwa ako ng makilala kita at si Maricris pati narin ang mga iba pa. Salamat sa pagbanggit sa amin.
Posted by Tom at April 30, 2008, 4:33 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.















Nice meeting you and other i.ph people!
Posted by Maki at April 27, 2008, 11:40 am