Home » Post Item » Zenki
Zenki
March 25, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Anime
Pangalan: Zenki

“Kuko ni Divah!!!” Yan ang mga katagang naaalala ko pag naiisip ko ang palabas na Zenki. Kamakailan kasi ay sinimulan ko nang panoorin ang aking Zenki DVD. Kumpleto ito mula simula hanggang katapusan. Dahil alas-cuatro ng hapon ito ipinalalabas sa TV noon (at high school pa lang ako nung kasikatan nito), may mga ilang episodes akong hindi napanood. Ngayon ang tamang pagkakataon para malaman ko ang buong kuwento.
Ingles ang salita ng mga tauhan sa nabili kong DVD. Nakakaaliw naman dahil mas madaling maintindihan at hindi na kinakailangan pang gamitan ng subtitles. At ang kauna-unahan kong ginawa nang makapanood na ako ng ilang episodes eh pinaghambing-hambing ko ang Tagalog translations sa kapares nito sa Ingles.
Ang pinakasikat na tauhan sa Zenki (bukod mismo sa title character) ay walang iba kundi ang tagapag-sugo. Sa Tagalog, kilala siya sa pangalang “Cherry Nai”. Nalaman ko ngayong panahon lang na ang katumbas niyang pangalan sa Hapon ay “Chiyaki”. Cherry… Chiyaki. Puwede na. Pasok na rin.
Sikat din ang lolo ni Cherry / Chiyaki na si Apo Jukai. Akala ko dati eh gawa-gawa lang nila yung pangalan pero Jukai pala talaga ang pangalan nung matanda sa Hapon. Kaya lang, ang tawag sa kanya dito ay “Abbot Jukai”. Abbot… Apo. Puwede na. Pasok na rin.
Sa Tagalog, ang tawag sa mga buto na mula sa kalaban eh “Binhi ng Kadiliman”. Sa Hapon pala eh tinatawag itong “Seeds of Evil”. Pasok yung binhi sa seed. Pero kadiliman at evil? Parang hindi tugma. Puwede namang “Binhi ng Kasamaan” di ba? Pero baka siguro eh naisip nila na hindi ito bagay sa mga bata kaya’t tinawag nila itong “Binhi ng Kadiliman”. Kaso, kung ipapares mo ito sa wikang Ingles, ang katumbas nito eh “Seed of Darkness”… parang butong pakwan ba.
Maraming episodes pa ang nag-aabang sa akin kaya’t malamang eh mag-Zenki DVD marathon ako sa mga darating na araw. Sa mga panahong nasa bahay lang ako eh pagkakataon na para ratratin ang mga nakaimbak na DVD. At dapat matapos ko ang Zenki para maintindihan kung bakit tinawag na “Kuko ni Divah” ang sandata ni Zenki gayung ang katumbas nito sa Hapon eh “Golden Horn”. Labo.
Deyey’s Approval: 89%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













