Home » Post Item » Strunk and White: Elements of Style
Strunk and White: Elements of Style
March 4, 2008
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Libro
Pangalan: Strunk and White: Elements of Style

Ako ay nagtapos ng kursong “Journalism” noong kolehiyo. Likas na sa akin ang magsulat ng kung anu-ano, kahit na ang pangunahing takda na ginagawa namin ay tungkol sa mga balita. Nang mag-blog na ako, mas napili ko ang magsulat sa wikang Filipino (o Taglish) dahil karamihan ng mga bloggers ay English ang pangunahing wika. Kakaunti lang ang purong Pinoy kung magsulat kaya naisip ko na dito magtuon ng pansin.
Pero, ang kinakailangan ng mga kompanya ay isang manunulat sa wikang Ingles. Dahil dito, hindi ko binabale-wala ang pagsusulat sa wikang ito. Kahit papaano eh pinananatili kong mahusay at naiintindihan ang mga sulat ko sa Ingles. At ang pangunahing resource ko sa pagsusulat ng mahusay sa wikang ito ay ang classic na libro na Strunk and White: Elements of Style.
Tila yata lahat ng kakilala kong manunulat ay gumagamit ng Elements of Style. Para siyang “Bible for writers”. Nakasaad kasi dito ang mga conventions na ginagamit ng mga manunulat sa Ingles, magmula sa paggamit ng verbs hanggang sa istilo ng tamang pagsusulat. Kahit yata mga beteranong writers sa loob at labas ng bansa ay Strunk and White ang pangunahing takbuhan pagdating sa tamang pagi-istilo.
Una kong nalaman ang librong ito nung nasa kolehiyo pa ako. Hindi naman siya requirement pero talagang mariin ang pagsasabi ng mga guro ko na kumuha ng sariling kopya ng librong ito. Tiyak daw na magagamit namin ito hanggang sa dumating kami sa huling hantungan. Mukha namang totoo ang mga wika nila dahil tuwing may mga tests ako sa pagsusulat eh ito ang ginagamit kong reviewer.
Ang pakiramdam ko nga eh dito rin binabase ang mga textbooks tungkol sa Journalism. Lahat kasi ng aspeto ng pagsusulat ay nasasakop ng libro. At sa pagkakaalam ko, marami nang editions ng Elements of Style ang lumabas. Marami nang nadadagdag na elemento tulad ng pagsusulat ng online documents.
Tunay na “must-have” ang Elements of Style, kahit na hindi ka writer talaga. Ito ay isa sa mga dapat na nakikita sa iyong personal library. Maaaring hindi mo siya gamitin palagi pero may silbi siya kapag nais mong patalasin ang iyong technique sa pagsusulat. Sana lang eh may makaisip na gumawa ng Filipino version nito kung saan ang tinatalakay naman eh mga istilo ng pagsusulat sa Tagalog…
…kung meron lang talagang makagagawa nito…
Deyey’s Approval: 95%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













