Home » Post Item » Wika 2007
Wika 2007
August 13, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Paligsahan
Pangalan: Wika 2007

Ang Agosto ay Buwan ng Wika (dati, nung nag-aaral pa ako, Linggo ng Wika lang ang tawag dito… nag-upgrade na!). Sa mga eskwelahan, malamang eh pinatutupad na naman ang pagsasalita ng wikang Tagalog. Ngayong “Internet Age”, pinatutupad na din ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng isang paligsahan mula sa Pinoyblogosphere. Tinawag nila itong Wika 2007 at ito’y ginawa para sa mga Pinoy bloggers na nais ipahayag sa mundo ang kanilang pagmamahal sa salitang Filipino.
Ano naman ba ang makukuha mo sa Wika 2007? Kung pupuntahan ang kanilang official page, mapapansin mo agad na ang mga premyo ay malulupit talaga:
- Grand Prize: Php5,000 + 1yr Domain Registration. + 1yr 100mb hosting
- Second prize: Php3,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
- Third prize: Php1,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
- Misteryosa Award (1 yr Domain Reg + 1yr hosting)
- plus consolation prizes…
Sino ba naman ang hindi mae-enganyong sumali di ba?
Sa totoo lang, hindi kasali ang blog ko sa mga nais lumahok sa paligsahang ito. Marahil nagtataka kayo kung bakit pero may mga patakaran kasing dapat sundin bago maging “official entry” ang blog article mo. Una na rito eh dapat may temang “Maraming Wika, Matatag Na Bansa” ang entry mo. Dahil rebyu site ang blog ko, walang mapaglalagyan ang maisusulat ko tungkol sa temang ito.
Pero natutuwa ako’t naisipan ng mga taga Pinoyblogosphere ang patimpalak na ito. Pang-gising na rin ito para sa ibang Pinoy bloggers na medyo nalilimutan na ang pagiging Filipino nila. Tila sa mga sulat nila eh masyado na silang nagiging “stateside” o sa salitang kanto eh “konyo”. Pambukas-mata na ito sa ating lahat na Pinoy tayong lahat at dapat man lang eh makapagsulat tayo ng naaayon sa pagiging Pilipino natin.
Magandang paligsahan ang Wika 2007 at nawa’y marami ang sumali dito. Maraming magagaling na manunulat na Pinoy sa buong mundo at ngayon na ang pagkakataon nilang makilala sa kanilang larangan. Partida pa dahil may mapapanalunan pa sila at mas makikilala sila ng mga panibagong bloggers na naghahanap ng mahusay na manunulat na Pinoy.
Sana lang eh sumali ang mga bloggers hindi dahil sa gusto lang nilang manalo kundi dahil trip talaga nilang itaguyod ang wika natin. Mas gugustuhin ko namang makakita ng sulat na kakaunti man at hindi mala-makata pero alam mong galing sa puso kaysa isang likha na ang lufet ng pagkakagawa pero isinali niya lang para lang manalo. Sa ganitong aspeto, talo na agad siya kahit na mapanalunan pa niya ang Wika 2007 award.
Good luck sa mga sasali at ipagpatuloy niyo ang pagtaguyod sa sariling wika!
Deyey’s Approval: 91%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
Taga-Catanduanes ka? Sali ka sa Planet Naga. www.planet.naga.gov.ph
Posted by Filipinayzd at August 17, 2007, 8:09 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














naks! salamat sa pagsisiwalat ng ating paligsahan… sayang naman at hindi ka makakasali…
sana nga mapukaw ang mga bloggers natin na pangalagahan ang ating wika kahit man lang sa simpleng pag dalo sa mga patimpalak tulad nito.
SALAMAT ULIT!
Posted by andianka at August 15, 2007, 10:44 pm