Home » Post Item » Macarthur (Bob Ong)
Macarthur (Bob Ong)
July 18, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Libro
Pangalan: Macarthur (Bob Ong)

Si Bob Ong ay idol ko simula pa nung sinulat niya ang pinaka-paborito kong libro na “ABNKKBSNPLKo”. Tila ginanahan akong magsulat sa Tagalog dahil sa kanya. Nawiwili akong magbasa ng mga naisulat niya kaya naman na-kumpleto ko lahat ng libro niya. Lahat kasi eh kwela at talagang mapapaisip ka sa kung bakit ganoon na lamang ang pananaw ni Bob Ong sa bagay na iyon. Masaya… nakakagaang ng loob.
Pero lahat ng ito ay naiba sa ika-anim niyang libro, ang “Macarthur”. Isa itong manipis na libro na ang istilo ng pagsulat ay pa-kuwento, tulad ng kanyang “Alamat ng Gubat”. Alam natin na pag Bob Ong eh masaya at makulit ang takbo ng kuwento. Kaso, sa “Macarthur”, naging malagim at seryoso ang tema. Para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat.
Dahil manipis ang libro, mabilis ko lang nabasa ang “Macarthur”. Gayunpaman, hitik na hitik sa laman ang buong kuwento. Ang “Macarthur” kasi ay kuwento ng limang batang nakatira sa squatters na may kanya-kanyang istilo sa pamumuhay. Matindi ang kanilang pagkakaibigan… kaya’t kahit hanggang sa kamalian eh magkakasama pa rin sila. Basta ang mahalaga sa kanila eh masaya sila.
Maganda ang pagkaka-deliver sa istorya ng “Macarthur”. Oo, hindi siya kuwela na para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat, pero napakahusay nito at talagang may aral na mapupulot sa dulo. Mararamdaman mo ang hinanakit at galit ng bawat tauhan sa kuwento, isang senyales ng isang mahusay na manunulat.
Kahit sa simula pa lang ng kuwento ay mapupuna mo agad na kakaiba ito sa mga unang naisulat ni Bob Ong. Puro mura ang libro, para bang isang indie film na ginawang aklat. Wala ang mga makukulit na banat. Walang simpleng patawa. Galit at poot ang nasa libro. Mahusay.
Pangit nga naman kung puro lang patawa ang kayang gawin ni Bob Ong. Sa “Macarthur”, mas pinakita ni idol na kaya niya ring maging seryoso. Kaya niyang magbigay-buhay sa mga kuwentong malagim. Kaya niyang kumawala sa tingin sa kanya bilang isang “patawang author”.
Kung bakit “Macarthur” ang pangalan ng kuwento eh alamin niyo na lang. Basta magaling ang pagkakasulat dito. Hindi basta-basta. Punung-puno ng mga kuwento ng buhay sa Pilipinas… mga buhay na hindi nakikita ng karamihan. Mga buhay ng mga taong nagtatago sa pinakamadilim na sulok ng bansa. Hindi Bob Ong ang istilo…
…mas malupit pa!
Deyey’s Approval: 91%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
tungkol dun sa article mo, magandang point yung parang may gustong patunayan si bob ong. kaso di lang maiiwasan sa mga readers na mag-expect na hahagalpak sila sa kakatawa kahit pag sinabi pa lang ang pangalang, BOB ONG. nakilala sia dun eh. matalino sa side nia na mag isip ng ibang genre. salamat sa preview ng bagong aklat ni bob ong at sa opinyon mo na rin. ^^
Posted by ann at July 25, 2007, 12:58 pmIsang beses lang ata nabanggit sa libro ang salitang Macarthur. Kala ko merong nakatagong mensahe sa pagkakaayos ng mga letra sa cover ng libro. Abnormalites talaga oh!
PS. Bilhin nyo lahat ng 6 na libro ni Bob at magkulong sa kwarto para magbasa. iTry nyo.
Posted by jose paulo at September 3, 2007, 9:44 amnabasa ko na din ang macarthur… ganda… totoong nangyayari ang ganun… at talagang magaling magsulat si bob ong… sana madami pa siyang masulat na obra…
Posted by melai at September 26, 2007, 2:13 pmactually… may project kami sa literature namin na magbabasa kami ng isang nobela na gagawan namin ng book analysis… at nung bumili ako ng book… Macarthur ung napili ko kasi manipis lang taz nakakaintriga kasi “macarthur”..,eh. halos 1 day q lng xa nabasa eh talagang naiyak aq… gwabe. Maganda ung istorya at talagang kapupulutan ng aral…
Posted by yza at October 2, 2007, 6:43 pmang gaganda ng book nya..
Posted by yuny dedicatoria at December 18, 2007, 3:31 pmwla akong mbiLi n mac arthur’s b00k asar!!
Posted by james at January 7, 2008, 9:36 pmsa totoo lng i never read any single book written by bob ong(may sarili kasi akong interes!hehhehe)(sa tingin ko nga baka in the near future maging competitor ko pa sya!!!!hehehehe..aba nagbabalak ding magsulat?)….pero sa kakabasa ko ng mga comments ng mga avid fanz nya…parang naeengganyo akong magbasa….nakakabilib ung mga messages nyo!!!!daig nya pa ang isang best selling hollywood actor!!!!hahahaha…try ko nga rin magbasa…magbasa lng ha…hindi ko sinabing bumili!!!!(mang hihiram na lng ako!!!!)
P.S. Sa mga taong may ginuntuang puso…na handang tumulong at hindi naghihinawang tumulong…parang awa na ninyo…PAHIRAMIN NYO PO AKO…!
akala ko hindi si mr. bob ong ang nagsulat ng MACARTHUR nung nakita ko siya sa Pandayan .. Nakita ko nalang bigla ang pangalan niya sa cover nung nasa kwarto na’ko. haha .
kakaiba siya. magaling . isang trahedya ..
nabasa ko na ang mga libro niya kaya lang pinamimigay ko din (o di naman kaya hindi na binabalik pagkahiram) . pro ang MACARTHUR ay kakaiba sa libro niya. itatago ko to . astig !
Fs ko. princesxemo@yahoo.com
Posted by keizha at January 18, 2008, 6:41 pmactually bob ong fanatic din ako.in fact isa ko s mga unang nkbili ng 1st book nya.kaso d2 sa huli prang disappointing.abnormalities nga cguro.kc nbitin ako s kwento…prang tinamad n cya magsulat at tinapos n lng agad2 ung kwento.i mean sa 3/4 ng book dun p lng ung climax e tpos bglang ala na..prang i am legend gnun.minadali.parang mga teleserye s dos at syete.haba haba ng istorya,paulit ulit pero pg mttpos n kontrata biglang may mamamatay n lng,massiraan ng bait,babait at llitaw ung killer…he could have done better.un lng gs2 ko svhn..pero bob ong fan p irn ako..la nmn tau perpekto pero pg mali nmn e sana wg n purihin.svhn lng totoo.
Posted by pitzy at January 21, 2008, 8:43 amuna kong nabasa ung paboritong libro ni hudas soo naging interested na ako sa mga isinusulat ni Bob Ong and one time nabangit ko sa frend ko na gusto ko pang makabasa ng iba pa niyang isinulat at yun ipinahiram niya itong MACARTHUR sakin.. noong una akala ko hahagalpak ako sa kakatawa dito sa librong ito dahil sa mga lines ng tauhan pero habang tumatagal lumalalalim ung story lalong bumibigat ang pangyayari at napaka tragic ng twist sa hulihan….. hay naku isa lang masasabi ko napakaganda talaga nito…..
Posted by mariku at February 8, 2008, 9:26 pmnabasa ko na din tong’macarthur’ niya.. required kc.. haha.. pero, i rily love it.. nagenjoy ako mgbasa.. tuloi tuloi nga ung pagbasa ku eh.. haha.. alam ko kng bkt ‘macarthur’ ung title nian.. hihi.. ssbhn ko ba? bsta.. nkakatwa kc if ever na malaman nio.. nsa book dn nmn xa.. aun lang.. geh.. naoverwhelmed ako mxado kaya sumingit po ako dito.. ge po..
Posted by blueswizzie at March 2, 2008, 10:55 amsinu nga ba yung apat na mag-babarkada niyon?
kaylangan q lng now na =( tnX
..bob ong???…sbe nila…c bob ong dw ay isng grupo ng tao lamang…pero khit papano…may itnuro sken c (o cla) bob ong…
…kelan kya nila matutuklasan ang kasinungalingan ko sa kanila…(panawagan sa mga taong nakakakilala sken)…
Posted by hooligan at March 31, 2008, 1:31 amkainis walang mag pahiram skn ng book nto pero ung ibang book nya meron n ko xD idol
Posted by juno at April 29, 2008, 4:21 pmang macarthur ay isang libro na kakaiba sa lahat ng mga obra ni master bob…nung una kong nbasa 2, tlgang iba…ung tipong matatangay ka sa kwentong astigin nina voltron,cyrus,noel at jim…tinamaan lang ako dun sa part na sinabihan c noel ng tatay niya ng”wala kang kwentang tao”…tsaka ung title niya,ewan ko lang a pero plagay ko dahil yun dun sa ayaw lumubog na mga jebs nung ngtatago cyrus kay topak…kc ganun nman ung humor ni bob dba…bsta rock-rockan na!!!
Posted by jerico at June 8, 2008, 1:39 amdios mio, isa sa pinaka masamang karanasan ko ata nangyari nung isang buwan, tumambay ako sa fullybooked, jan lang sa da fort… dala ang wallet ko at a few pounds (hehehe) tapos dala ang dalwang pinka bagong libro ni bob.. sa kasarapan ng basa ko nung ‘try me’ book nawala ko wallet ko.. tuloy nag ka phobia nako pumasok sa bookstore liban na lang nung nakaraang araw.. ng makita ko ulit ang mcarthur.. bka sa linggo mabili ko na! hahaha.. spoilers kau.. pero babasahin ko pa rin! hahaha.. salamat bob, mas lalong minahal ng mga kabataan at ng mga katulad kong medyo nakakalimut na sa ating tunay na wika dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay kailangan mamasukan sa isang ‘call center’ na hindi ko alam ang katumbas na salitang tagalog… salamat na marami! in bikol, dios mabalos!
Posted by private_dianne at June 10, 2008, 5:43 ammagkano p yung book na macarthur?
i wanna buy a copy kasi…
tnx
cnong mhihiraman ku ng bob ong bokoks xcept sa ABNKKBSNPL AKo at MACARTHUR…huhuhu…nhghihiram lng kc aku eh..bket nga pla MACARTHUR ang pamagat??hehehe…cenxa..d ku tlga ma getz..(–,)
Posted by JustineLou at August 4, 2008, 2:57 pmaus nga tong libro..^^
pero sana nagpapakita sya sa
medya..aktibista kaya si bob ong..??
nagtataka po talaga ako kung bakit ganun ang title nun…macarthur….
baka naman po mei magandang loob na makakapagsabi…
salamat!!!!
hehehe
ANG GANDA TALAGA NITO MGA KLASMEYTS KO DUNUGO ANG ILONG PAGKABASA NILA ,,,, GRABE TALAGA.. NEXT TYM MAGKAKAROON NA TO NG FILM PANOORIN NIO HAAA
Posted by ADRiel san Juan at September 3, 2008, 6:30 pmi am a studnt of public administration(la lang paalam lang)ang gnd ng story n2 s lht ng buk nya i2 gusto ko.astig kc ng ending malungkot at masaya.dami pang twist.sana mgawan ko sya ng mgandang script.un nga pla blak nmin xang gwing play for philosophy subj nmin…patok para sa mga guy qng frnds dcla macocornyhan….sana my nw buk n si bob ong….astig ka nabuhay kp!!!!
Posted by arianne at September 15, 2008, 12:33 amisa sa pinakseryosong libro na nabasa ko(bukod sa biblia) at naiyak ako.may maganda akong natutunan.ito ang libro na dapat binabasa.tama tama?the best talaga.dami ko nabasang BOB ONG moments dito sa blog na to.katuwa.
bogaloids!
Posted by wahehe at September 28, 2008, 10:22 pmhay kakatapos ko lang basahin ang bago kong biling libro na MACARTHUR,, tuwang tuwa ako na kala ko tatawa nanaman ako, pero hindi pala…ang ganda ng kwento promise amstayn!!!
Posted by paulie at September 29, 2008, 3:39 pmmaganda sya ngunit di ko malaman ang kaugnyan ng pamagat na mac arthur sa nilalaman nito,hirap huh peo sa kabuuan maganda ito at nakakaaliw may aral na malilibang ka pa.
Posted by niña at October 8, 2008, 1:30 pmahemmm..ako ang number 1 fan si bob ong..
ako si JAMES in short jimboy..
nabasa ko na ang limang libro niya..yung fav. book ni judas ..hindi ko binasa..
naka plastic pa ..sayang remembrance nalang muna..habang di pa gumagawa ng bago si bob ng istorya..
to bob ong..
sir..NABITINPOAKOSAMCARTHUR!!!
bakit ganun..umuwi nga siya TAPOS natapos na…wala manlang nangyari kung natupad ba ung ano niya..haaaaayyyyy
PERO IDOL kita..sana someday makita kita…
AUTOGRAPH lang sana, sa anim kong libro..
wak kang tumigil sa pag publish ha..kaw lang ang binabasa kong book maliban sa school books..hehe
Posted by James "Malolos, Bulacan" at October 11, 2008, 10:18 pmdahil bumalik ulet c noel sa knila..
kaya ayun ang title.. npaka creative ni bob ong noh?? haha.. bogaloids din to minsan c bob eh..
Nakakaiyak. Kawawa naman si mang justo, si voltron, si cyrus tsaka si aling seding. Ano na kaya ang nangyari sa kanila??
Sana isa pang ganyan kagandang libro isulat ni Bob Ong…
kakaiba!luv it!
Posted by edelgoku at November 4, 2008, 8:44 pmhi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hellow lng po, wla po akong msv kc d q pa po i2 nbbsa eh! phiram naman po ng book!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! pls……………………………………………. project po kc namin i2 eh……………………..
Posted by rose ann bacod at November 11, 2008, 4:29 pmeow po!!!!!!!!!!!!!!!! pwd po bng phiram ng book…………………… kc project poh namin i2 eh…………………………………………………… tnx
Posted by rose ann bacod at November 11, 2008, 4:32 pmkakatapos ko lang din basahin tong book na to. napaka tragic. mejo nakakaiyak nga. sa tingin ko kaya macarthur yung title kasi nagbalik si noel.
Posted by Raymond at November 12, 2008, 12:37 amAko si marco jose punzalan 23 taong gulang, taga sa amin tapat ng langit na ngaun nand2 sa taiwan na nakikipagsapalaran. Haay ni isa sa libro ni pareng bob ong lawa pa ako nabasa ni isa subalit ngunit datapwat pag uwi ko mula d2 sa lecheng bansa na 2 bibili agad aq ng libro ni kasanggang bob ong upang mabasa. Hehe. Kainggit kayo…. Fuck shEt….,
Posted by Mark joseph at November 27, 2008, 4:06 pmMga bata itong klase ng libro ang dapat niong basahin ha hindi puro tikol..hehehe. Macarthur un Title kc nagbalik un jebsÜ
Posted by Knoc at December 5, 2008, 6:45 pm@tan
si voltron namatay
ang alam ko si cyrus kinulung kasi siya nakapatay sa lolo niya
Posted by Joshua at February 2, 2009, 6:09 pmyea.. i know! nabasa ko..
una natatawa ako..
pero nung sumunod na page..
nakakaiyak na..
na weirdohan lang ako sa nangyari kay mang justo at kay cyrus.. huhu.. kakaiyak talaga..
ito ang una kong librong nabasa kay idol bob ong.. and im starting now with ABNKKBSPLAko?! pag matapos ko na to.. bibili ako ng “libro ni hudas” hehee.
more power to bob :]
Posted by jolineeeeeee at March 20, 2009, 5:53 pmbuti na lang poh eh bumili ako ng librong mc arthur kasi hindi ko inaasahan na magpapagawa ng project ang teacher namin na tungkol sa mga problemang kinahaharap ngayon ng mga teenagers ang pasok dito ang mac arthur……..
thanksss!!!!!
Posted by michelle gabriel at March 21, 2009, 10:02 ammeron ba sa national nitong macarthur?
Posted by atuder at March 21, 2009, 11:11 pm” i shall return..”
bwisit si bob ong! galing galing nya.. idol ko talaga sya! isang malupit na manunulat para sa mga malulupit na mambabasa.. bago ka mamatay.. dapat makabasa ka muna kahit isang libro lang nya.. at pangako! makukumpleto ang buhay mo!..
isa syang halimbawa ng isang alamat!!! hehe.. alamat ka bob ong!!!
MACARTHUR book!
nice talaga…..
naawa ako dun kay tatay…. lolo ni cyrus…
sayang lang ang kidney transplant dahil namatay si tatay sa binaril ni cyrus hahahaha…..
ewan ko kung bakit macarthur ang title……
1. bumalik si noel sa kanila…..
na touch ako sa tatay niya binawala ang nakaraan noong cnab ang “kumain ka na ba”
2. yung mga tae na ayaw malunod…. bumabalik pa rin hehehe
Posted by John Lennon at May 13, 2009, 1:36 amMacArthur ROCKS!! ^^
i shall return mga bogaloidss..
hey,, ang ganda2 naman ng book ni bob ong,, alam nyu bang isa q sa pinkamatinding taga suporta ng mga aklat nya,, gusto2 q talaga to,, sana makita q one time kung cno xa,, very exciting kz,, hanga q sa kanya inspiration q xa sa lahat ng bagay,, tnx
Posted by edwin lirio at June 11, 2009, 6:17 pmako! masasabi ko lng…..
grabe ka bob bakit kapa nabuhay…..
napraning tuloy ako bwiset…..
idol kita una p lang…..
nakakalungkot nga lng kase baka indi kana gumawa pa ng iba…..
Posted by michael madlangbayan at June 30, 2009, 3:34 am!@#$%HAnEP,,GAnDA TlAGA NG paBoritoNg liBro ni huDas^%$#
KkAdiek ieh
Posted by khrieEz at July 4, 2009, 11:54 pmBob Ong? Nabasa ko na rin ang book niya! Mac arthur! Nagulat talaga ako. .oo seryoso ang nilalaman nito. Galing talaga ni bob ong. Minsan nga nagpagtanto ko sa sarili ko kung may nag.eexist ba na bob ong. Haha corns! Hehe siguro nga may tao talagang pinanganak na henyo.(piso bob ong) hehe. Idol ko talaga c bob ong. His the man. Ibahagi m0 na man kahit kapiraso lang ng hypothalamus mo. Salamat
Posted by elang at July 25, 2009, 8:54 pmIdol ko rin si bob ong since i was in grade school kaya nakumpleto ko lahat ng libro niya. Nagagalit na nga nanay ko dahil hindi ko ginagastos ang baon ko para lang makapunta sa book store at makabili ng libro ni idol. Sa halip daw na bumili ako ng mga gamit sa pag-aaral ay bumibili ako ng libro ni bob ong na sabi niya ay walang matutunan..Pero hindi ako tumigil hanggang hindi ko nakukumpleto ang lahat ng libro niya…. Ang pinaka gusto ko naman sa lahat ay ang MACARTHUR na kwela sa una at puro mura pero sa huli may matututunan namang aral….
BOGALOIDS…ABNORMALITIES….SABOGALOIDS
WOW!! GALING MO IDOL…SALAMAT SA PAGIGING INSPIRASYON KO…
Posted by Fatima Grace P. Santos at August 4, 2009, 7:41 pmAMADEUS ang lupit dami Q nan22nan sa ang makulit na tropa na un tsaka sana mag post kayo ng meaning ng mga BOGALOIDS, ABNORMALITIES, SABOGALOIDS AT IBA PA
SANA MY PART NG BAGONG BUHAY NAMAN
—– bad angel 2 1 8 f0rEvEr —–
Posted by kazumi at August 25, 2009, 9:26 pmxtra 100 ko pinangbili ko nyan
di na ako kumain
hahahaha
Posted by feitan at August 28, 2009, 12:29 pm4 sa libro ni bob ong eh nabasa ko na. Magaganda lahat ng nilalaman ng mga libro nya, pero mas nakarelate ako sa abnkkbsnplako at yong macarthur. Grabehhh, naiyak pa ako. It really touches me. May depth yong sinulat nya.At talagang nangyayari sya. galing mo pre. Sana sumulat ka pa ng ibang books na makaka antig sa isip ng bawat mambabasa mo. Keep up the good work.
Posted by bhong at August 31, 2009, 4:54 pmMac arthur dahil cover page palang inodoro na kagad,sumisimbolo sa mga tae at bulok ng lipunan. Gaya ng mga tauhan na pinilit magbago pero bumabalik ulit sa bisyong nasimulan.
Posted by Joel Ramirez at September 9, 2009, 3:00 amgrabe talaga ang macarthur kakirot… grabe…ramdam mo ang bawat tauhan para nga ako nandun weh…extra…buhay talaga ang istorya……. MACarthur I Shall Return ba??? un ba ung kay Noel?
Posted by prettygurl2110 at October 9, 2009, 9:53 pmnabasa ko n din ung macarthur .. moral lesson para sa mga studyanteng go wid the flow ..”2 dekada ka lang magaaral pag di mo p nagawa yon 5 dekada kang maghihirap laking lugi db?” nga nmn kaya mga bogaloids bago n kyu
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














nabasa ko na rin!
moral lesson: Ayusin mo buhay mo! Bogaloids!
hahaha ayosh sya…tsaka na-miss ko ata c bob ong…kya pagkakita ko ng macarthur, bili agad!
salamat bumalik c bob ong!
sabi nya kc sa stainless longanisa, bka ndi na sya magsulat pa uli ng book or magsulat man, ibang name na…nalungkot ako nun.. hay buti nlng…
Posted by Coolpearlz at July 22, 2007, 11:01 pm