Home » Post Item » Pinoy Kamasutra
Pinoy Kamasutra
July 17, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Pelikula
Pangalan: Pinoy Kamasutra (ni Katya Santos)

ANG LAKI… ng utak ng taong nakaisip na gumawa ng pelikulang Pinoy Kamasutra. Pinagbibidahan ni Viva Hotbabe Katya Santos, ang Pinoy Kamasutra ay sinadya para sa mga magsing-irog na nagkukulang sa kanilang “init”. Mapapanood sa palabas ang iba’t-ibang posisyon na ginagawa sa pakikipagtalik para mas nakaka-enjoy. Siyempre, dahil Pinoy nga ang pelikula, hindi maiiwasan na sa dibdib masyado naka-focus ang mga angulo ng camera.
ANG LUSOG… ng aking tiyan dahil kumakain ako sa opisina nang una kong mapanood ang Pinoy Kamasutra. Kasama kasi sa trabaho ko ang manood ng mga ganitong palabas. Siyempre, sinuri ko na rin ang husay ng mga artistang gumanap dito pati na rin ang mga ginagawa nilang istilo… kahit na wala tayong alam sa mga pakikipagtalik na yan… good boy ako eh!
BILOG NA BILOG… ang DVD nang ipasok ko ito sa player ng aking computer. Sa unang salang pa lang eh bibigyan na kayo ng kaganapan sa buhay ni Katya sa palabas. At nang matuklasan nga niya ang libro ng Kamasutra, nakaisip siya ng mga pwede niyang gawin sa kanyang ka-partner para uminit pa ang kanilang pagsasama. At hindi naman nagkulang ang palabas dahil marami itong itinurong posisyon.
TIGAS NA TIGAS… ang acting ng ilang mga artista na kasama sa palabas na iyon. Para bang masaya na sila basta umalog ang kanilang mga dibdib (na halata namang retokado). Pero makikita mo rin talaga ang posisyon na ginagawa nila. Hindi naman siya nagmukhang “porno”.
MAY LUMABAS… na disclaimer sa Pinoy Kamasutra na nagsasabing ang pelikulang iyon ay para sa mga “couples” lamang. Kumbaga, hindi talaga siya tunay na “bold” movie kundi isang “instructional video”. Kaya lang, alam naman nating ang mga kalalakihang Pinoy… basta hubad at malaki ang dyoga, naglalaway na at L na L! Kaya sigurado akong bentang-benta ito sa mga tindahan ng CDs… at gasgas na gasgas sa mga VCD / DVD players!
Deyey’s Approval: 81%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














Hi you are good!I’am not good, though not as good as you. You have such a great potential. Keep it up! Busby Seo Challenge
Posted by Busby Rocky Sky Jet at August 13, 2008, 5:03 am