REBYU

Mga pansariling pananaw sa iba't-ibang bagay na nakikita, napupuna at natatagpuan.

90.7 Love Radio

June 20, 2007

Ako’y lumipat na!
Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network!
Mag-click lang dito!

Kategorya: Serbisyo
Klase: Radyo
Pangalan: 90.7 Love Radio

Image Hosted by ImageShack.us

Umagang-umaga. Masaya kang nagbihis dahil papasok ka na sa opisina / paaralan / bahay. Hinanda mo na ang pamasahe mo. Sumakay ka ng jeep / FX / tricycle / kalesa. Ninanamnam mo pa ang katahimikan… nang biglang buksan ni Manong ang radyo!

“Kailangan pa bang i-memorize yan?!”


Waahhh!!! Nasa 90.7 Love Radio rin pala ang driver na sinasakyan mo. Wala kang magawa kundi makinig kahit na ayaw mo. At bigla ka na lang mapapasabay sa mga awiting napapakinggan mo sa kanyang radyo.

Naaalala ko pa nang hindi pa “masa music” ang tugtog sa 90.7. Para pa silang “Mellow Touch” noon, mga soft music ang ine-ere. Nang bigla na lang akong magulat noong ako’y nasa kolehiyo na dahil nagpalit na sila ng isitlo ng musika. Mas dumami ang mga musikang “pang-masa”. Mas marami nang bubblegum pop. Mas marami nang “naughty tunes”. Yari tayo dyan…

Hindi natin maita-tanggi na mahusay ang naging konsepto ng 90.7. Base sa pagkaka-alam ko, sila ang nagpa-uso ng malulupit na fillers sa pagitan ng mga awitin. Sila ang hayagang nagkalat ng korny jokes sa ere. Ilan sa mga kilala natin doon ay si Kukurukuku at ang kanyang partner na laging tanong nang tanong sa kanya. Nandyan din ang mga sikat na DJs na sina Nicole Hiyala at Chris Tsuper na sobrang daldal at kulit kaya naman nakaka-aliw na pakinggan sila.

Naniniwala ako sa kanila na sila ang number 1 music station sa buong Pilipinas. Kasi naman, lahat na yata ng sinasakyan ko papasok ng opisina eh nakatutok sa 90.7. Para bang pag lumipat ka ng istasyon, hindi ka “in” dahil wala kang bagong joke.

At sinundan na ito ng iba pang istasyon sa radyo na nanggaya na ng format nila. Pangit na tuloy. Parang ang ingay na tuloy ng mga radyo natin. Mas maganda pa noon na 90.7 lang ang magulo at maingay dahil pangit nga naman kung puro lang katahimikan sa kalsada. Boring ang buhay.

Marahil ay magiging institusyon ang 90.7 Love Radio sa mga susunod pang henerasyon. Sila ang sukatan ng isang radio station na hindi kukupas dahil sa ginawa nilang pauso. Astig talaga. Ito rin ang magiging dahilan kung bakit maraming mga pa-sosi sa opisina ang maririnig mong sumisipol ng mga awiting “baduy”. Asus… wala naman silang magagawa… hawak ni Manong Driver ang commuter’s music… at hawak naman ng 90.7 Love Radio ang lahat ng mahuhusay na tsuper sa buong Maynila!

Deyey’s Approval: 88% 

* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *

AddThis Social Bookmark Button

 


Posted by taglish at 10:07 am | permalink

Previous Comments

“Kailangan pa bang i-memorize yan?!”

Hay! Ang sakit sa ulo niyan! :-( Unfortunately, pati ‘yung favorite ko dati na 99.5 RT parang Love Radio na din. Sa NU107 na lang ako.

Posted by Prudence at June 22, 2007, 10:07 am

yung peyborit ko dati na Campus Radio na LS 97.1, pinalitan na din. naging Barangay LS na. sus. ang korny kasi ang pilit nung pagpapalit nila.. halatang gustong tapatan yung Love Radio na pang-masa.

mas maganda kasi sana kung may variety ng mga radio stations. at least madami kang pagpipilian. kunwari kung gusto mong manahimik sa buhay, dun ka sa station na puro mellow ang pinapatugtog. kung may pagka-rock naman, edi dun ka sa rock. tapos kung novelty, edi sa 90.7 ka. pero ngayon kasi parang lumalabas na paingayan na lang sila eh. :(

Posted by jesse at December 21, 2007, 3:38 pm

Astig talaga LOVE RADIO
para kang sinusundan, kaghit san ka magpunta
Maraming tao ang nayayamot kay Nicholeya at Chris Tsuper noon pero wag ka, pag dumal dal na sila, maririnig mo ang”trulagen” at “trulalo walang halong eklavu” sa bibig nila.

Pag napasok ako sa skul, di mo maiiwasang marinig sa kalsada ang Love Radio.

Nakakalungkot nga lang kase, harapan na silang ginagaya ng ibang stations, inuuso na rin na nila ang mga tambalan ng jocks pero, sabe nga ng original tamabalan, di naman nila kayang makuha ang timpla.

Posted by tutubi at June 8, 2008, 7:07 pm

basta eto top 3 ko:

1. Tambalang Balasubas at Balahura
2. Stardinas Gang Challenges
3. Talk to Papa

Posted by dustin at July 25, 2008, 8:55 pm

i was one of the lucky few na makapasok sa love radio as an intern..before di ako fan ng music na pinapatugtog nila pero nahatak talaga ko ng tambalan n yan!..nang mamit ko cla in person aba ang bait bait nilang lahat dun..madali mo cla mggng friends!..astig pa cla pg gumawa ng concept!hayup tlga..they take their craft seriously..e khit san kc ako mapunta noon love radio naririnig ko..prng nging culture cla..hahahahah…

Posted by quitz at August 8, 2008, 10:31 am

enge naman poe ng song ng love radio..”!?
…this is me…
…mga latest song poe..”!?
…gutsto ko po kasing hanggang sa fs koh meron akoh mapapakinggan..”!
…i really idolized TAMBALAN..”!!!
…mga kabisy0..”!

Posted by xeladawn at October 27, 2008, 11:16 am

may link po ba kyo kng saan makakapakinig ako ng loveradio kahit sa internet? Kung meron paforward nmn po ng lunk sa email ko… thanks

Posted by Garapata at November 25, 2008, 2:48 am

pno poh ang pag-apply ng OJT s 90.7?

i min, walk-in or by e-mail?

Posted by Vanessa at March 30, 2009, 10:30 pm

meron na ba webite ng love radio?
na pde mong makuha ung embed nla
pra khit hanggang sa fs eh meron din ako
hahahaha sobrang kc ng 90.7 eh
kya mga kabisyo
kailangan pa bng i memorize yan?
bisyo na2………..

nga pla bka may link na nga rin ng love sa internet na pde ring ipasok sa fs ko pke e mail nmn me oh plz……

Posted by Craziiebiitch24 at April 4, 2009, 9:58 pm

hie poh ang astig tlg..grave tawa plng busog kna..

Posted by dark at April 19, 2009, 5:21 pm

meron punta ka sa website ng e-radio portal may live forecast tsaka pede i import sa fs peo kelangan magregister

Posted by claris at May 16, 2009, 1:00 am

hi! love radio where can i see the list of your program everyday? so that i can tune in to my favorite dj… hehehe sounds weird but funny… thanks.. hope you can reply to this comment asap….
and another i need it for my project..wuwuwuwu
i am a journalism student…thanks

Posted by nathalie at July 7, 2009, 12:34 pm

hello love radio, gustong gusto ko talaga ang kay papa jack na tlc & wild confession, nakakuha ka ng magagandang aral sa mga advice ni papa jack ang galing nyang mag advice, di ciya ung kinakampihan ung caller pag itoy mali, pinapagalitan din nya. papa jack mabuhay ka papa jack..

Posted by toto villajuan at September 7, 2009, 8:24 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








Mga Paalala

Mag-Iwan ng Mensahe

edzzy:

keep it up

edzzy:

I agree to all your post..

Watch Pacquiao Vs Margarito:

The Upcoming Big Boxing Event in the world.

salt movie 2010:

watch salt movie 2010

DAM 999 Movie:

Droppin by. sharing upcoming movie “DAM 999″.

Latest Movies Online:

Droppin by here keep it up blogger. :) just sharing my blog about latest movies online.

IE:

huhvoylugvfir6t7ufrviufruityguigi

IE:

eh kung ayaw kaya naman namin mag sulat sa abs-cbn… mag u-scoop na lang po kayo sa GMA

IE:

ANG GANDA PALA NG SAN JUAN!!!!!!!!!!!!!!!

mikaela:

ang ganda naman ng san juan feast!!!!!!!!!!!!!!!!1sw

keitots:

your english sucks! wag ka na mag english.. shit..

The Healthy Style:

here i come

FinanceZone:

woyoooo…here i come

World News Edutainment:

stoppin by

Berita Terbaru 2010:

been here

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

zeli:

haha.. nasagot din ang tanung ko. tnx

Leave a message ▼

Ako'y Pinoy Blogger