REBYU

Mga pansariling pananaw sa iba't-ibang bagay na nakikita, napupuna at natatagpuan.

Kaarawan ni Rizal

June 19, 2007

Ako’y lumipat na!
Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network!
Mag-click lang dito!

Kategorya: Pangyayari
Klase: Espesyal na Araw
Pangalan: Kaarawan ni Rizal

Image Hosted by ImageShack.us

Hunyo 19, 1861. Ito ang araw ng kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal (na sa mga susunod na talata eh tatawagin na lang natin sa palayaw na “Joe”). Ngayong 2007, ginugunita natin ang ika-146 na anibersaryo ng kanyang kapanganakan. Nararapat lang naman talaga itong ipagdiwang dahil kung hindi kay Joe, hindi sana nagkaroon ng katapangan ang iba pa nating mga bayani para labanan ang kampon ng mga Kastila.

Alam ng lahat ng nag-aral ng Hekasi at Sibika at Kultura na ang ginamit ni Joe na pang-laban sa mga dayuhan ay ang kanyang ballpen at papel. Hindi naman siya kasing laki ni Yao Ming at kasing-katawan ni Batista. Kung lumaban siya na mala-Andres Bonifacio eh baka hinimatay na siya. Iba ang istilo ng pakikipaglaban ng ating bayani at ito ang tunay na hinangaan ko sa kanya.


Patago ang teknik na ginamit ni Joe. Dinaan niya sa kuwento ang kanyang “mini-revolution”. Partida pa ito dahil nantsi-tsiks pa siya ng iba’t-ibang lahi (iba ka repapips!). At malalaman na lang natin na naging syota niya si ganito at si ganyan. Hanep sa sex appeal. Pinoy na Pinoy talaga!

Hindi masyado na-enjoy ni Joe ang kanyang buhay pagdating sa edad na 25-31. Ito kasi yung mga panahon na tinutugis na siya ng mga kalaban at kinukulong sa Dapitan (hindi sa likod ng UST). Kahit na nasa bilangguan ay patuloy pa rin ang kanyang pagsusulat. Laban kung laban. Siguro nga, kung may computer na nun sa kuwarto niya eh gumawa na siya ng blog tungkol sa pang-aapi sa Pinoy ng mga Kastila.

Malas lang talaga dahil siya’y na-tsugi nang medyo bata-bata pa. Dinale siya sa likod ng mga sundalo. Nabaril ang ating bida. At ito ang naging hudyat ng pakikipaglaban nina Batista, este, Bonifacio. Sumugod ang mga Katipunero at buong Katipunan (hindi sa may Ateneo). Napalayas nila ang mga Espanyol… at nasakop naman tayo ng mga Kano. Lupet talaga nating mga Pinoy.

Pero si Joe pa rin ang isa sa mga naging susi para matupad ang ating “semi-kalayaan”. Kung hindi siya ipinanganak, marahil eh hanggang ngayon ay sakop pa rin tayo ng mga Espanyol (tulad ng Spain). Kung hindi siya ipinanganak, baka wala tayong Luneta kung saan naglaloving-loving sina Dudong at Enday tuwing Linggo. At kung hindi siya ipinanganak, baka wala tayong piso ngayon! Wala tayong pera!

Mabuhay ka Rizal… este… isabuhay ang mga turo ni Rizal! Huwag magpa-api sa mga dayuhan lalo na sa mga foreigners! Laban kung laban! Tularan natin si Rizal… matapang, matalino at malakas ang sex appeal kahit na kulot ang bangs! Astig!

Deyey’s Approval: 94% 

* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *

AddThis Social Bookmark Button

 


Posted by taglish at 9:49 am | permalink

Previous Comments

siguro kung d dhil ky jose rizal d magkakalkas ng loob sina bonifacio n tuligsain ang mga mananakop n ktulad ng mga kastila,, kya dpat nting tulran cla n huwag basta basta magpaapi. dpat tyong lumban………..

Posted by analyn joco at November 22, 2007, 8:06 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








Mga Paalala

Mag-Iwan ng Mensahe

edzzy:

keep it up

edzzy:

I agree to all your post..

Watch Pacquiao Vs Margarito:

The Upcoming Big Boxing Event in the world.

salt movie 2010:

watch salt movie 2010

DAM 999 Movie:

Droppin by. sharing upcoming movie “DAM 999″.

Latest Movies Online:

Droppin by here keep it up blogger. :) just sharing my blog about latest movies online.

IE:

huhvoylugvfir6t7ufrviufruityguigi

IE:

eh kung ayaw kaya naman namin mag sulat sa abs-cbn… mag u-scoop na lang po kayo sa GMA

IE:

ANG GANDA PALA NG SAN JUAN!!!!!!!!!!!!!!!

mikaela:

ang ganda naman ng san juan feast!!!!!!!!!!!!!!!!1sw

keitots:

your english sucks! wag ka na mag english.. shit..

The Healthy Style:

here i come

FinanceZone:

woyoooo…here i come

World News Edutainment:

stoppin by

Berita Terbaru 2010:

been here

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

zeli:

haha.. nasagot din ang tanung ko. tnx

Leave a message ▼

Ako'y Pinoy Blogger