Home » Post Item » Pugad Baboy 19
Pugad Baboy 19
May 16, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Bagay
Klase: Libro
Pangalan: Pugad Baboy 19

Pagkatapos ng mahabang panahon ng paghihintay, muli na namang naglabas ng bagong Pugad Baboy na libro si idol Pol Medina! Muli na naman nating mababasa ang mga kalokohan nina Bab, Brosia, Tiny, Dagul, at ang buong Pugad Baboy tropa. Tiyak na saya na naman ang dulot nito sa lahat ng mga Pinoy na nalungkot nang hindi nanalo ang kanilang piniling kandidato sa Senado tulad ni Victor Wood.
Tulad ng mga naunang Pugad Baboy na libro, punung-puno ang seryeng ito ng mga thematic jokes at mga pa-simpleng atake sa gobyerno. Nakakatuwa din ang mga “full stories” nila kung saan napupunta ang tropa sa mga iba’t-ibang lugar sa Pinas at napapalaban ang ating paboritong bida na si Polgas.
Masaya talaga magbasa ng PB dahil maaga nang na-establish ang mga characters. May kanya-kanya na silang ugali na mala-Simpsons at talaga namang makaka-relate ang bawat mambabasa. At sa mga matataba na hindi tulad ko, lalo silang matatawa sa bawat fatty jokes.
Ilan sa mga jokes na matatagpuan sa PB19 ay patukoy sa The Ring, Manny Pacquiao, Video Games at pagiging Tomboy. Siyempre, swak na swak na naman ang mga patawa ni Pol Medina. Talagang mapapangiti ka sa bawat joke na binibitawan ng mga characters, maging corny man o hindi.
Tiyak na mabilis na namang mauubos ang librong ito dahil sa libu-libong PB fans sa Pinas. Yayaman na naman si Pol Medina at muli na naman niyang maaalagaan ang marami niyang mga kabayo sa kuwadra.
Deyey’s Approval: 89%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.














Yehey! may bago nanamang Pb! paborito ko tlga yung mga gawa ni pol medina… kahit ilang beses ko basahin yung mga nabili ko na comics bentang benta parin sakin mga punch line nya. hehehe! ang galing nya tlga sobra..tuwang tuwa ako. san pala nakakabili ng stuf toy na polgas at shirt? ang kyut kasi.
Posted by HaNNaPinK at December 28, 2007, 2:32 am