Home » Post Item » PAX, The Palawan Experience
PAX, The Palawan Experience
April 23, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Pangyayari
Klase: Gimik
Pangalan: PAX, The Palawan Experience
(Pang-apat sa apat na blogs sa “Palawan” series) (1) (2) (3)

Isang isla na maraming mapupuntahan, iyan ang Palawan. Mapa-hilaga man o mapa-timog, tiyak na may magandang tanawin kang mapuputahan at makikita. Kung titingnan sa mapa, parang napakahaba at napakapayat lang ng Palawan at maiisip mong “Paano naman nila masasabing maraming tourist spots dito eh ang liit-liit?”. Ako na mismo ang nagsasabi sa inyo na sa apat na araw kong pamamalagi sa isla ay wala pa sa kalahati ang mga lugar na napupuntahan ko.
Para matunlungan ang mga turista, gumawa ng paraan ang lokal na gobyerno para madaling maipakita sa mga tao ang ganda ng Palawan. Ito ay ang “PAlawan eXperience” o pag pina-ikli ay PAX. Kapag sumali ka sa tour na ito, ika’y dadalhin sa iba’t-ibang lugar sa isla kung saan tiyak na magigiliwan mo.
Kabilang na sa pagsali mo sa PAX ang pagsakay mo sa isang tourist van, mga entrance fees sa lahat ng pupuntahan mo, pati pagkain mo sa tanghalian ay bayad na rin. Bibigyan ka pa nga nila ng cap na may tatak na PAX para pag-uwi mo ng Maynila ay maipag-mamayabang mo sa mga ka-tropa mo na ikaw ay PAX (yeah!)
Ang pinakamagandang alaala ko sa PAX ay ang aming makulit na tour guide na si Herman (o Man2, dahil marami silang guides na may “man” ang dulo ng pangalan). Bukod kasi sa talagang bihasa siya sa kanyang ginagawa, siya’y tunay na masiyahin at damang-dama mo ang kanyang pag-aalaga sa kanyang mga bisita. Hindi mo mararamdaman na tour guide siya. Tila ba isa siyang kaibigan na napalayo lang at nagawi sa Palawan.
Samu’t-saring lugar ang nasa tour package ng PAX. Nasa sa inyo na lang kung ano ang pipiliin mo. Pero ang matitiyak ko sa inyo, huwag na huwag niyong palalampasin ang paglalakbay niyo sa Underground River dahil tiyak na magigiliwan niyo ito. Sulit na sulit kahit na mahaba ang biyahe!
At dahil sa aking Palawan Experience, tiyak na mapapabilang ang islang ito sa mga lugar na siguradong babalikan ko. Marami pang lugar sa Palawan ang hindi ko napupuntahan. Marami pang beaches ang hindi ko nalalangoy. Marami pang isla ang hindi ko naaapakan.
At pag mayaman na ako, ang sunod na pupuntahan ko ay ang Amanpulo Island ng Palawan. Hindi nakakapasok dito ang mga mortal na tao. Tanging mga pinagpala lang ang pupuwede rito.
Balang-araw ay makakapunta rin ako diyan sa Amanpulo. Pero para sa ngayon, masayang-masaya na ako sa PAX at sa mga munting ngiti na dulot nito dahil sa paglibot niya sa akin sa napakagandang isla ng Palawan!
Deyey’s Approval: 94%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













