REBYU

Mga pansariling pananaw sa iba't-ibang bagay na nakikita, napupuna at natatagpuan.

Puerto Prinsesa Subterranean Underground River National Park

April 22, 2007

Ako’y lumipat na!
Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network!
Mag-click lang dito!

Kategorya: Lugar
Klase: Kuweba
Pangalan: Puerto Prinsesa Subterranean Undergound River National Park (Palawan)

(Pangatlo sa apat na blogs sa “Palawan” series) (1) (2) (4)

Image Hosted by ImageShack.us

Ang haba ng pangalan di ba? Pero nararapat lang ito para sa isang lugar na may bansag na “longest subterranean underground river in the world”.

Ang Puerto Prinsesa Subterranean Undergound River National Park (UR for short) ay isa sa mga tanyag na tourist spots sa Palawan. Ito ay isang trip kung saan ang mga tao ay sasakay sa isang bangka at, kasama ang isang guide, ay papasok sa kuweba na may ilog na may haba na 8 km! Opo… walong kilometro ang haba! Kaya lang, 1.5 km lang ang pinapa-tour sa mga tao dahil kung 8 km nga naman eh kawawa naman yung mga guide na bukod sa nagsasalita eh nagsa-sagwan pa!


Pagpasok mo sa loob, samu’t-saring rock formations ang makikita mo. Nakaka-aliw tingnan dahil iba’t-ibang hugis ang nabubuo dahil sa haba ng panahon na kanilang itinagal dito. At sa tulong na rin ng imahinasyon, marami kang makikitang kahalintulad ng mga bato sa tunay na buhay.

May lugar sa kuweba na tinatawag nilang “Katedral”. Ito ay dahil napakalaki nito at may mga rock formations na naghuhugis “3 Kings”, “Nativity” at imahen ng Panginoon. Meron ding mga bato sa ibang lugar na hugis “giant mushroom” at kandila.

Sa loob ng kuweba ay marami ring makikitang mga paniki. Dahil umaga ang trip, lahat ng mga paniki rito ay natutulog at nakasabit sa dingding. Kapag lumingon ka sa taas, puro lang paniki ang makikita mo. Malamang ay mamamangha ka at maiiwang bukas ang bibig mo. Iyan ang paborito ng mga paniki… naghahanap kasi sila ng mga bibig na puwede nilang bagsakan ng jebs…

Dahil din sa nasa ilalim siya ng lupa, ang UR ay parang may natural aircon sa loob. Wala kang mararamdaman na init kahit na kulob ang lugar. Parang ang sarap nga maligo doon kung hindi lang talaga puro jebs ng paniki ang ilog…

Sulit na sulit talaga ang pagpunta sa UR. Kahit na napakalayo nito (dalawang oras siya mula sa Puerto Prinsesa), tiyak na mamangha ka at matutuwa sa paglakbay mo sa kuweba. Babalik ang iyong alaala nung nag-aaral ka pa ng Science nung Grade 5. Iisipin mo ang mga klase ng bato. Matatandaan mong mammals nga pala ang mga paniki.

At mapapagtanto mo din na huwag magbubukas ng bibig kapag may nakasabit na paniki at handang-handang jumebs sa kahit ano mang nasa ilalim niya!

Deyey’s Approval: 96%

* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *

AddThis Social Bookmark Button

 


Posted by taglish at 1:02 am | permalink

Previous Comments

wowwowowowowowow……..anganda grabe sana maka punta ako jan ng ganda talaga wala ako masabi……..

Posted by jesse at June 29, 2008, 6:56 pm

hehe… ^_^ mukhang nahulugan ata ng jebs ung nagsulat nito (joke) kc naman di nakalimot na magkwento hanggang sa huli tungkol sa jebs ng paniki at pagbukas ng bunganga… ahihihi… ^_^ kulet *_*

thank you sa site na to kc nakatulong ng husto sa ginagawa kong project ng pinsan ko na bakit ang Pilipinas ay Perlas ng Silanganan…

thank you ^_^

Posted by Princess at July 5, 2008, 7:50 pm

ang ganda pala ng puerto pricessa…

Posted by mikaela claudia ting at October 25, 2008, 10:25 pm

puerto prinsesa is a very nice place.

Posted by jenny at October 26, 2008, 2:44 pm

i’ll vote for puerto prinsesa!! alabzyu pinaz! go 4 d goal!!

_journalist ng QHS_

GBu

Posted by shirlenn at January 12, 2009, 7:39 pm

lets help our nominee enter the list of the new 7 wonders of the world.

Posted by theijie at January 13, 2009, 4:12 pm

papunta kami jan ngayong march excited na akong makita ang UR s palawan….can you give me names of other exciting places in palawan so we can have a great adventure there…thank you & more power to your blog…:)

Posted by marz at February 26, 2009, 5:15 pm

hi! actually, pupunta nga kami sa puerto prinsesa sa april 5…nakaka excite lalo na ang u.r…. magdadive rin kami sa honda bay! salamat nga pala sa blog mo…mas lalo pa akong na excite sa comment mo tungkol sa U.R.

GOD BLESS!

Posted by andrea at April 2, 2009, 2:56 pm

naks naman sana makapunta rin ako dian…

ore good travels sana amg iniong maranasan

yehey…

shaenix28

Posted by shaenix28 at October 8, 2009, 9:42 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








Mga Paalala

Mag-Iwan ng Mensahe

edzzy:

keep it up

edzzy:

I agree to all your post..

Watch Pacquiao Vs Margarito:

The Upcoming Big Boxing Event in the world.

salt movie 2010:

watch salt movie 2010

DAM 999 Movie:

Droppin by. sharing upcoming movie “DAM 999″.

Latest Movies Online:

Droppin by here keep it up blogger. :) just sharing my blog about latest movies online.

IE:

huhvoylugvfir6t7ufrviufruityguigi

IE:

eh kung ayaw kaya naman namin mag sulat sa abs-cbn… mag u-scoop na lang po kayo sa GMA

IE:

ANG GANDA PALA NG SAN JUAN!!!!!!!!!!!!!!!

mikaela:

ang ganda naman ng san juan feast!!!!!!!!!!!!!!!!1sw

keitots:

your english sucks! wag ka na mag english.. shit..

The Healthy Style:

here i come

FinanceZone:

woyoooo…here i come

World News Edutainment:

stoppin by

Berita Terbaru 2010:

been here

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

vanessa pearl:

do u know where is laguna ?

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

zeli:

haha.. nasagot din ang tanung ko. tnx

Leave a message ▼

Ako'y Pinoy Blogger