Home » Post Item » Pandan Beach tsaka Snake Island
Pandan Beach tsaka Snake Island
April 21, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Lugar
Klase: Isla
Pangalan: Pandan Beach tsaka Snake Island (Palawan)
(Pangalawa sa apat na blogs sa “Palawan” series) (1) (3) (4)

Ang mga beach sa Pilipinas ay halos pare-pareho. Kadalasan ay sa klase ng buhangin lang sila nagkakaiba o di kaya’y sa dami ng resorts na nakapalibot sa dagat. Pero pagpunta ko sa Pandan Beach, experience pala para sa isang baguhan ang mararanasan ko roon.
Ako’y isang taong laking dagat. Ibig sabihin, marunong akong lumangoy at kahit papaano ay hindi takot sa tubig. Kaso, hindi ako sanay gumamit ng mga equipment tulad ng snorkle at scuba gear. At laking gulat namin nang ito’y itinuro sa amin habang naroon kami sa Pandan Beach.
Masaya pala mag-snorkling sa Pandan Beach. Mula sa baybayin ay kaunting langoy lang ang kailangan para makarating sa isang raft na nasa gitna ng dagat. Dito ay marami ka nang makikitang mga isda na nakakumpol at naglilibot kung saan-saan. Nakakatuwa panoorin dahil may mga grupo ng isda na sadyang “maamo” at sunod nang sunod sa bawat kilos at galaw mo.
Kapag hindi ka pa kuntento sa snorkling, tuturuan ka rin ng mga guide na naroon sa Pandan Beach kung papaano ang mag scuba. Sa totoo lang, hindi siya talaga scuba dahil hindi ka gagamit ng compressed oxygen na nasa tangke at nasa likod mo. May makina lang na nakakabit sa raft kung saan may tubo na ikakabit sa bibig mo para makahinga ka sa ilalim ng dagat. Nasubukan ko rin ito at ako’y labis na natuwa sa experience na ito.
Pag nagsawa ka naman sa kakalangoy sa napakaputi at napakalinis na dagat, puwede kang tumambay sa may dalampasigan at humiga sa duyan. Maghanap ka lang ng maghe-hele sa iyo para makatulog.
Pagkagaling sa islang ito, nagtungo naman kami sa Snake Island. Nung una, akala namin kaya tinawag siyang ganoon ay dahil puro ahas ang lugar. Yun pala, korteng “S” lang siya kaya natawag na Snake Island. Bakit kaya di na lang “S”trawberry Island o kaya “S”norkle Island noh? “S” din naman yun ah!
Ang aking pagpunta sa Palawan ay talaga namang naging masaya dahil sa island tripping na ito. Nawa’y ang mga susunod na makapunta rito ay maranasan din ang saya na aking nadama nang minsang ako’y maglaro at magtampisaw sa islang ito at sa dagat na pumapalibot sa Palawan.
Deyey’s Approval: 91%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













