Home » Post Item » The Legend Hotel
The Legend Hotel
April 20, 2007
| Ako’y lumipat na! Puntahan si Rebyu sa Dakilang Bum Network! Mag-click lang dito! |
Kategorya: Lugar
Klase: Hotel
Pangalan: The Legend Hotel (Palawan)
(Una sa apat na blogs sa “Palawan” series) (2) (3) (4)

Masarap magpahinga at matulog sa mga hotel. Bukod sa laging ayos ang kama mo, madalas ay dekalidad ang serbisyo na binibigay ng bawat empleyado sa iyo. Iyan ang mga naransan ko nang tumuloy ako sa The Legend Hotel nang magpunta ako ng Puerto Prinsesa sa Palawan kamakailan.
Nagplano kasi si Ermats kasama ang mga ka-opisina niya na mag-outing sa Palawan. Sa kabutihang palad, naimbitahan din kami ng aking mahal na sumama. Kaya lang, dahil sa kakulangan ng pag-uusap sa pagitan ng grupo nina Ermats at ng aking ama (na may free Mabuhay Miles mula sa Philippine Airlines), nauna ako ng alis at nakarating sa Palawan nang nag-iisa.
Sa The Legend Hotel ako nai-book ni Ermats pagdating ko sa Palawan. Doon din kasi sila tutuloy ng grupo nila (nauna lang ako ng isang araw). Nakakatuwa dahil paglabas pa lang ng airport ng Puerto Prinsesa, may nag-aabang na sa iyong tao mula sa hotel at susunduin ka ng naka-van. Iyan ang mahusay na serbisyo.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na manuluyan ng isang gabi sa isang “single” room (pagdating kasi nina Ermats, nalipat na ako sa Team Room kasama nila). Kung ameneties lang ang pag-uusapan, napakahusay ng kuwarto ko sa hotel na iyon. Napaka-komportable humiga sa kama, napaka-lamig ng aircon, mahusay ang TV na may cable at may dalawang tisyu sa banyo para sa mga malakas jumebs. Magaling talaga!
Kung mag-iikot ka naman sa hotel, matutuwa ka sa mga iba’t-ibang lugar na iyong matatagpuan. Nariyan ang lobby / front desk kung saan laging malamig ang klima. Puwede ka ring magtungo sa swimming pool na kahit may kaliitan ay masaya pa rin kung makakalublob ka. Maganda rin ang kanilang elevator na may glass walls at ang kisame nila na may guhit na mala-ulap.
Kapag pagkain naman ang pinag-usapan, tiyak na hindi ka talo sa The Legend Hotel. Ang kanilang restaurant ay de-kalidad talaga. Ang masarap sa kanila ay ang almusal. Buffet style ang handa at ang mga ulam ay talaga namang katakam-takam. Kahit simpleng sardinas lang ay nagagwan nila ng paraan para maging kakaiba at malinamnam.
Malamang na kapag bumalik ako sa Palawan ay sa The Legend Hotel uli ako tutuloy. Abot-kaya naman ang presyo para sa isang hotel pero ang serbisyo ay talagang namumukod-tangi.
Kaya din siguro ako nag-enjoy sa Palawan ay dahil maaliwalas ang panunuluyan ko sa hotel.
Deyey’s Approval: 92%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.













